May tinatawag na first, second at third degree burns. Ang first degree burns ay kung namula (redden) ang balat. Ang second degree ay kung nagkaroon ng paltos (blistering) at ang third degree ay ang pagkasira ng balat at napinsala ang cells nito. Naka-expose ang katawan sa bacterial infection at napinsala na ang muscle sa balat.
Sa mga may third degree burns, kinakailangan ang puspusang pag-iingat. Uminom nang maraming tubig o fruit juice. Kumain ng mga protein foods gaya ng karne, isda, pagkaing butil at mga prutas na mayaman sa Vitamin C. Iwasang uminom ng kape, tea at alcohol. Ang kape at tea ay mga ito ay diuretics samantalang ang alcohol ay nakapagde-dehydrate sa katawan at pinatutuyo ang balat.
Mahalaga para sa isang nasunog ang katawan na mapalitan ang mga nawala sa kanyang fluids, protein sodium, potassium at essential fatty acids. Ang fish at vegetable oils ay may mahalagang papel para gumaling agad ang sugat. Kailangan ng isang burn victim ang mga pagkaing maraming calories.