Babala namin sa First Quadrant
October 24, 2003 | 12:00am
MAGTATATLONG taon na ngayon nung magdeklara ako ng giyera laban sa mga modus operandi, scam at panloloko ng kompanyang sangkot sa "pyramiding" o network marketing scam.
Bagamat may pagka-"iresponsable" ang hakbang ng Security and Exchange Commission (SEC) at ng Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga kumpanyang kanilang inakusahan nung mga unang buwan ng taong ito, "nagising" sa katotohanan ang taumbayan. Nabulabog nila ang industriya ng network marketing. Natuhog lahat ang mga kumpanyang legal, kaduda-duda at mga iligal na inakusahan ng dalawang "burarang" nabanggit na ahensya ng pamahalaan.
Nung mga kainitan ng "crackdown" marami sa mga iligal, hindi na mahagilap ng DTI-National Capital Region (DTI-NCR) sa kani-kanilang mga business address. Nagsipagtago agad yung mga gagot manloloko sa ginawang opensiba ng nabanggit na ahensya. Gaya ng aking sinabi noon, kaakibat namin ang DTI at ang SEC sa krusadang laban sa mga kumpanyang nagpapanggap bilang multi-level marketing companies. Ngunit ang nasa likod pala ay mga utak ng illegal pyramiding.
Iisa ang aming layunin. Iisa rin ang aming babala. Iiwas ang taumbayan sa "kuko ng mga manloloko!" Ang pagkakaiba nga lang, pinaiiral ng kolum na to ang salitang "due process." Ewan ko sa DTI-NCR at sa SEC.
Matatandaan nung buwan ng Marso naglabas ng talaan ang DTI ng 22 kompanyang pinaghihinalaang sangkot sa illegal pyramiding. Hindi pa man nila naumpisahan ang imbestigasyon agad nag-akusa. Matatandaan, tahasan nilang pinangalanan ang mga sumusunod na kumpanyang lumabag daw sa Consumer Act. Ang mga ito ay POWERHOMES UNLIMITED, FIRST QUADRANT, LIFE LINK MULTI CARD INC, TIE WITH-US, NET TAIPAN CORP., GRAND POST INTERNATIONAL INC. KABUHE INTERNATIONAL MARKETING INC. at iba pa.
Simula noon, tikom na ang bibig ng mga taga DTI-NCR. Bakit kaya? Ang tanong, alin sa kanilang mga inakusahan ang sarado na? Mga nagpapalamig? At patuloy pa ring nagtatago? Ni wala man lang update. Madali sa DTI-NCR ang ngumawa. Kulang sa gawa. Nung ika-3 ng buwan ng Marso, nagsalita si DTI Assistant Secretary Hernandez live sa aking radio program sa DZME, aniya, "Ben, may listahan kaming 22 companies na pinaghihinalaang sangkot sa illegal pyramiding, pero subject pa ito sa evaluation."
Dagdag pa ni Hernandez, "may breakdown yung aming list. Were not saying that all of them are involved (in illegal pyramiding).Were saying, may mga katanungan ang publiko sa nature ng business ng mga ito."
Kasalukuyan, hindi malinaw kung ano na ang nangyari sa kanilang ginawang "pagsisiyasat?" Ang kagandahan nga lang ngayon ay naging "wais" na ang publiko. Kayat hindi na ganun kadali ang mabiktima ng illegal pyramiding. Maliban na lang kung talagang TANGA ang biktima.
Tandaan, HINDI puwedeng gawing basehan na porket lehitimo at legal ang isang networking company, HINDI nangangahulugan na nakakatiyak na kayo. Ang bawat networking company ay may kani-kaniyang pamamaraan at estilo ng pagbebenta.Dito ang problema. Hindi ganun kadaling makita ng ating mga mata ang kanilang estilot pamamaraan na may kaakibat na panlilinlang. Dito nagsisimula ang panibagong modus.
Nagiging matagumpay ang isang modus kapag itoy subok na ng bihasang miyembro. Kahit alam ng "malikhaing" ito na siyay nalilihis na sa katotohanan.
Pilit nya ngang magbagong-buhay sa pamamagitan ng paglipat sa bagong kompanya na kanilang pinasukan. Subalit, yung lamat ng panloloko na kanyang natutunan sa kanyang pinanggalingan ay naka-angkla na sa kanyang pagkatao.
Hindi kaya ganito ang nangyayari ngayon sa "FIRST QUADRANT?" Hindi biro ang problemang ito! Hindi ito kathang-isip. Trabaho ko ang mag-imbestiga. Hindi ako nagsusulat nang walang basehan! May karugtong!
Bagamat may pagka-"iresponsable" ang hakbang ng Security and Exchange Commission (SEC) at ng Department of Trade and Industry (DTI) laban sa mga kumpanyang kanilang inakusahan nung mga unang buwan ng taong ito, "nagising" sa katotohanan ang taumbayan. Nabulabog nila ang industriya ng network marketing. Natuhog lahat ang mga kumpanyang legal, kaduda-duda at mga iligal na inakusahan ng dalawang "burarang" nabanggit na ahensya ng pamahalaan.
Nung mga kainitan ng "crackdown" marami sa mga iligal, hindi na mahagilap ng DTI-National Capital Region (DTI-NCR) sa kani-kanilang mga business address. Nagsipagtago agad yung mga gagot manloloko sa ginawang opensiba ng nabanggit na ahensya. Gaya ng aking sinabi noon, kaakibat namin ang DTI at ang SEC sa krusadang laban sa mga kumpanyang nagpapanggap bilang multi-level marketing companies. Ngunit ang nasa likod pala ay mga utak ng illegal pyramiding.
Iisa ang aming layunin. Iisa rin ang aming babala. Iiwas ang taumbayan sa "kuko ng mga manloloko!" Ang pagkakaiba nga lang, pinaiiral ng kolum na to ang salitang "due process." Ewan ko sa DTI-NCR at sa SEC.
Matatandaan nung buwan ng Marso naglabas ng talaan ang DTI ng 22 kompanyang pinaghihinalaang sangkot sa illegal pyramiding. Hindi pa man nila naumpisahan ang imbestigasyon agad nag-akusa. Matatandaan, tahasan nilang pinangalanan ang mga sumusunod na kumpanyang lumabag daw sa Consumer Act. Ang mga ito ay POWERHOMES UNLIMITED, FIRST QUADRANT, LIFE LINK MULTI CARD INC, TIE WITH-US, NET TAIPAN CORP., GRAND POST INTERNATIONAL INC. KABUHE INTERNATIONAL MARKETING INC. at iba pa.
Simula noon, tikom na ang bibig ng mga taga DTI-NCR. Bakit kaya? Ang tanong, alin sa kanilang mga inakusahan ang sarado na? Mga nagpapalamig? At patuloy pa ring nagtatago? Ni wala man lang update. Madali sa DTI-NCR ang ngumawa. Kulang sa gawa. Nung ika-3 ng buwan ng Marso, nagsalita si DTI Assistant Secretary Hernandez live sa aking radio program sa DZME, aniya, "Ben, may listahan kaming 22 companies na pinaghihinalaang sangkot sa illegal pyramiding, pero subject pa ito sa evaluation."
Dagdag pa ni Hernandez, "may breakdown yung aming list. Were not saying that all of them are involved (in illegal pyramiding).Were saying, may mga katanungan ang publiko sa nature ng business ng mga ito."
Kasalukuyan, hindi malinaw kung ano na ang nangyari sa kanilang ginawang "pagsisiyasat?" Ang kagandahan nga lang ngayon ay naging "wais" na ang publiko. Kayat hindi na ganun kadali ang mabiktima ng illegal pyramiding. Maliban na lang kung talagang TANGA ang biktima.
Nagiging matagumpay ang isang modus kapag itoy subok na ng bihasang miyembro. Kahit alam ng "malikhaing" ito na siyay nalilihis na sa katotohanan.
Pilit nya ngang magbagong-buhay sa pamamagitan ng paglipat sa bagong kompanya na kanilang pinasukan. Subalit, yung lamat ng panloloko na kanyang natutunan sa kanyang pinanggalingan ay naka-angkla na sa kanyang pagkatao.
Hindi kaya ganito ang nangyayari ngayon sa "FIRST QUADRANT?" Hindi biro ang problemang ito! Hindi ito kathang-isip. Trabaho ko ang mag-imbestiga. Hindi ako nagsusulat nang walang basehan! May karugtong!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
















