^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magaling na aktor si FPJ

-
SI dating President Joseph Estrada ay isang magaling na aktor bago siya naluklok sa pagiging mayor, senador at nitong huli ay presidente subalit napatalsik. Marami siyang nakamit na award sa pag-arte. Hindi nakapagdududa ang kanyang galing sa larangan ng pinilakang tabing. Ang kanyang pagiging artista ang naghatid sa kanya sa magulo at maruming putik ng pulitika. Naging bukambibig ang kanyang palayaw na ERAP o binaligtad na PARE.

Subalit may isang aktor na mas sikat at mas mahusay pa kay Erap. Siya ay si Fernando Poe Jr. na tinatawag ding Da King o sa kanyang inisyal na FPJ. Matalik na kaibigan at kumpare ni FPJ si Erap. Walang action star sa buong Pilipinas na makahihigit kay FPJ. Halos lahat ng mga pelikula niya ay naging patok. Kung action ang pag-uusapan, tiyak na hindi malilimutan ang kanyang ratsadang pagsuntok na nagpapabagsak sa kanyang kalaban. Marami ang nagagalit kapag sa wakas ng pelikula ay natatalo siya.

May isang insidente pa umano sa isang bayan na sinunog ang sinehan sapagkat sa pelikula ay natalo si FPJ. Ayaw pumayag ang kanyang mga tagahanga na matatalo o mapapatay siya sa pelikula. Malaking gulo ang mangyayari kung matatalo siya. Iniidolo siya at sinasamba na parang Diyos. Paglabas ng mga tagahanga niya sa sinehan, hindi pa rin mapatid-patid ang usapan tungkol sa kanya. Magaling talaga at kahit daw ulit-ulitin ang pelikula ay hindi pagsasawaan. Hindi nakapagtataka kung bakit ang mga luma niyang pelikula ay patuloy na inilalabas sa mga sinehan sa probinsiya. Hindi siya pinagsasawaan.

Mabait din si FPJ. Matulungin lalo na sa kanyang mga kasama sa industriya. Kaya naman mahal na mahal siya ng mga kapwa artista. Minsan daw sa pagiging maaawain, nang nagsisiyuting sa isang lugar at nakitang sira-sira na ang isang school ay agad na nagbigay ng pera para ipagawa iyon. Kapag may nanghihingi ng abuloy para sa kasamahang artista na namatay ay mabilis pa sa alas-kuwatrong nagbibigay ng pera. Mahusay na artista, mabait sa kapwa at matulungin. Iyan si FPJ.

Ngayo’y nahaharap si FPJ sa isang mabigat na pagpapasya. Pinipilit siya ng mga nasa oposisyon na tumakbong presidente para sa 2004 election. Sinabi ni Sen. Tito Sotto, na mas mabigat pa si FPJ kaysa kay Erap sapagkat wala itong political enemies at masyadong malinis.

Wala kaming masabi kay FPJ lalo na sa bulung-bulungang papasok siya sa pulitika. Basta ang alam namin magaling siyang aktor. Liban diyan, wala na.

DA KING

ERAP

FERNANDO POE JR.

FPJ

ISANG

KANYANG

MARAMI

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with