^

PSN Opinyon

Serbisyo publiko

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG pagpapahalaga, pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa ay mula sa puso. Ang pagkakawang-gawa ay dakilang biyaya. Nakaugat na sa aking puso ang pagiging volunteer public servant. Naging panata ko ang tumulong at dumamay sa mga kapwa-palad. Hindi na mabilang ang mga outreach programs na nilunsad ko at napanood sa aking public service TV show. Hindi ko makalimutan ang mga nakasama ko sa pagkakawanggawa kabilang na ang matalik kong kaibigan, ang yumaong si Mrs. Betty Go-Belmonte ina ng PSN President na si Mr. Miguel Belmonte na buong puso ang pagtulong sa pamamahagi ng gamot, damit at pagkain sa mahihirap at biktima ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang natural calamities. Maraming parangal ang iginawad kay Mrs. Belmonte sa kanyang pagcha-charity work.

Isa ring maaasahan sa serbisyo publiko ay si Mrs. Maria Carmen Galang Diomampo na hanggang ngayon ay aktibo sa pagcha-charity ng kanilang Oasis of Love. Isa rin siyang Gintong Ina awardee na ang pagmamalasakit sa mahirap ay proven and tested na at bilang CEO ng Naturistic Treatment Center ay ginagamot nila ang mahihirap na may iba’t ibang sakit.

Isa ang 32-anyos na binatang si Rickey S. ng Pasay City na may Hepatitis B na ginagamot sa naturang center na pinatatakbo ng certified medical and naturopatic doctors.

Nabasa ni Ricky sa Pilipino Star NGAYON ang nalathala sa BANTAY KAPWA tungkol sa Jade Nano-Cera Mattress na lunas sa maraming karamdaman. Dati siyang seaman na nang magka-Hepa-B ay nilayuan at pinandirihan ng marami at pati ng kanyang kasintahan ay iniwan siya.

Sa aming panayam sinabi niya na suntok sa buwan ang pagtawag niya sa mga numero ng Center: 7810301 local 125, 0917-9191660 at 0918-324-0068. Sinabi niya na mula ng mahiga siya ng ilang beses sa mattress ay guminhawa ang pakiramdam niya. Pinainom siya ng bullock at milk thistle na luminis ng kanyang atay at nag-alis ng toxins. Napag-alaman na ang Hepa-B kapag pinabayaan ay hahantong sa cirrhosis of the liver. Batid ni Ricky na siya ngayon ay nasa tinatawag na ‘‘road to recovery.’’

(May karugtong)

vuukle comment

GINTONG INA

HEPA-B

HEPATITIS B

ISA

JADE NANO-CERA MATTRESS

MR. MIGUEL BELMONTE

MRS. BELMONTE

MRS. BETTY GO-BELMONTE

MRS. MARIA CARMEN GALANG DIOMAMPO

NATURISTIC TREATMENT CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with