^

PSN Opinyon

Ang pilosopiyang divide and rule

- Al G. Pedroche -
"MAGHASIK ka ng pagkakawatak-watak at ikaw ang maghari." Iyan ang pilosopiya ng Italian statesman Nicolo Machiavelli. Tila iyan ang nangyayari sa ating lipunan ngayon. We are too politically divided. As far as Machiavelli is concerned, even the most immoral means is justifiable to acquire political power. Iyan ang tinatawag na mightist pilosophy na nagsasabing might is right.

Sa pangyayaring ito, tayong karaniwang mamamayan ang apektado at ang namamayagpag ay ang sino pang grupo na ibig makapaghari sa bansa. Sa ngayon, hindi lang sa dalawang paksyon nahahati ang bansa. May paksyong sumusuporta sa kudeta, mayroong sumusuporta kay Senador Panfilo Lacson bukod pa sa grupong loyalista ni dating Presidente Estrada.

At isa ang puntirya ng mga paksyong ito: Gibain ang liderato ng pamahalaan. At bilang resulta ng giyera politikal na ito, pati ang mga mamamayan ay nagkakaroon na ng pagkakampi-kampi. Makikita ito sa mga text messages na ating tinatanggap. Bagaman at mayroong mga nagtatanggol sa administrasyon, marami ang tumutuligsa at nagpapahayag ng suporta sa mga kumakalaban dito. Kung minsan, may mga nagmumura pa sa mga taong kumikiling sa administrasyon and vice versa. Kamakailan nga’y may naibalita tayong magkaibigan na nagtalo sa isyu ng paratang ni Ping Lacson kay Mike Arroyo na nauwi sa patayan.

Lehitimo ang mga political differences. Normal iyan kahit saang bansa. Ngunit malakas ang kutob ko na may nanggagatong upang ito’y mauwi sa isang seryosong giyera politikal. Posible na kung sino man ang mga ito, nagpapakawala sila ng limpak-limpak na pondo para magkaroon ng destabilization sa ating pamahalaan. Kasi, kapag paralisado ang pamahalaan, malayang maitutulak ang kanilang ilegal na gawain. Iyan ang mga sindikatong kriminal. Mga drug lords na sa paniniwala ko’y may galamay na sa loob ng ating pamahalaan. Sila ang gumagamit ng Machiavellian pilosophy. Pinagwawatak ang bansa upang sila ang makapaghari.

vuukle comment

BAGAMAN

GIBAIN

IYAN

MIKE ARROYO

NICOLO MACHIAVELLI

PING LACSON

PRESIDENTE ESTRADA

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with