^

PSN Opinyon

Pananalig kay Jesus

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MARAMING bagay ang ipinapanukala sa atin ni Jesus sa Ebanghelyo. Isa na rito ay: na siya ay Anak ng Diyos datapwat tunay din siyang tao. Si Jesus ay tulad din natin maliban lamang sa kasalanan. Isa rin sa mga ipinanukala ni Jesus sa mga Judio ay ito: na siya ang tinapay na nagmula sa langit. Hindi kailanman matanggap ito ng mga Judio (Jn.6:60-69).

Narinig ito ng kanyang mga alagad at marami sa kanila ang nagsabi, "Mabigat na pananalita ito; sino ang makatatanggap nito?" Alam ni Jesus na nagbubulung-bulungan ang kanyang mga alagad tungkol dito, kaya’t sinabi niya, "Dahil ba rito’y tatalikuran na ninyo ako? Gaano pa kaya kung Makita ninyong umaakyat ang Anak ng Tao sa dati niyang kinaroroonan? Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng laman. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay Espiritu at buhay. Ngunit may ilan sa inyong hindi nananalig sa akin." Sapagkat alam ni Jesus buhat pa noong una kung sinu-sino ang hindi nananalig sa kanya, at kung sino ang magkakanulo sa kanya.

Idinugtong pa niya, "Iyan ang dahilan kaya ko sinabi sa inyo na walang makalalapit sa akin malibang loobin ito ng Ama."


Mula noo’y marami sa kanyang mga alagad ang tumalikod at hindi na sumama sa kanya. Kaya’t tinanong ni Jesus ang Labindalawa, "Ibig din ba ninyong umalis?" Sumagot si Simon Pedro. "Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa inyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y nakatitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos." Sumagot si Jesus, "Hindi ba hinirang ko kayong Labindalawa? Sa kabila noo’y diyablo ang isa sa inyo!" Ang tinutukoy niya’y si Judas na anak ni Simon Iscariote.

Ang pananalig ni Pedro ang siya nating nais na tularan. Nais nating sabihin kay Jesus: Kanino kami pupunta? Ikaw ang Salita ng walang-hanggang buhay. Hindi natin kailanman tatalikuran si Jesus. At hindi tayo kailanman tatalikuran ni Jesus.

vuukle comment

ANAK

ANG ESPIRITU

DIYOS

ISA

JESUS

JUDIO

LABINDALAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with