Inutil na security system ng NAIA hindi puwedeng i-upgrade

NGAYONG ika-13 ng Setyembre, isang taon na ang aming investigative team sa TV ang ‘‘BITAG.’’ Hindi lang sa lupa kundi pati sa himpapawid sakop na ng BITAG.

Malaki ang magagawa ng helicopter. Hindi na namin idedetalye pa dahil ayaw namin masunog ang mga susunod na operasyong aming isasagawa.

Sa mga may itinatagong kabuktutan, mapalupa o mapadagat, isang pitik lang ng aming surveillance camera sa himpapawid, makikita na namin ang inyong mga pinaggagawa sa ibaba.

Naipakita na namin nitong Sabado sa BITAG sa ABC-5 nung naaktuhan namin ang paggagamit ng ‘‘molotov bomb’’ ng mga mangingisda sa Manila Bay, naitaboy namin ang mga ito sa tulong ng mga magagaling na piloto ng Philippine Coast Guard.

Marami pa ang susunod. Abagan.
* * *
PATULOY naming tinututukan ang security and surveillance system sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matatandaan naisulat namin, P500 milyon ang halaga nitong mga inutil at pinag-iwanan na ng panahong mga security camera ng NAIA.

Kumita ng limpak-limpak na salapi ang mga dating namuno ng NAIA nung mga dating administrasyon na siyang bumili ng mga kagamitang ito.

Hindi pinag-isipan ng mga hunghang kung anong uring teknolohiya ang kanilang binili. Ang masahol dito, hindi ‘‘upgradable’’ ang kasalukuyang security system.

Ayon sa aming source, gagastos ng malaki ang pamahalaan kung sakaling papalitan ang pinaglumaang security system ng NAIA. Dahil hindi ito puwedeng i-upgrade, kinakailangan palitan na ito ng bago na upgradable sakaling maluma na.
* * *
Para sa mga tips; type BITAG<space>TIPS<space>(message)

Complaints; type BITAG<space>(COMPLAINTS<space>(message)

FEEDBACK: type BITAG<space>FB<space>(message)

I-text at send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText).

O tumawag sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

Show comments