^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Pagdurog sa mga corrupt, ipagpatuloy

-
ANG corruption ang isa sa mabibigat na isyung dahilan ng pag-aaklas ng mga sundalo noong nakaraang linggo. Talamak ang katiwalian na pati mga baril at bala ay ipinagbibili sa mga kalaban ng pamahalaan. Bago pa ang pagputok ng mutiny sa Makati, ang usapin sa corruption sa maraming ahensiya ng pamahalaan ay paulit-ulit nang laman ng mga pahayagan. Nagdeklara ng pakikipaglaban si President Arroyo laban sa mga corrupt, na aniya’y isang dahilan kung bakit hindi makausad ang ekonomiya.

Kumilos ang Department of Finance at nilatigo ang mga corrupt sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Apat na BIR officials ang iniimbestigahan na ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) tungkol sa mga kaduda-dudang ari-arian at matatabang account nila sa banko. Ang apat batay sa imbestigasyon ng Finance Department ay may malalaki at magagandang bahay sa mga eksklusibong subdibisyon, maraming sasakyan, may mga farm sa probinsiya at kasapi sa kung anu-anong organisasyon ng mga mayayaman. Ayon sa imbestigasyon, sumasahod lamang nang mahigit P20,000 ang apat na BIR officials. Hindi umaakma ang kanilang suweldo sa dami ng kanilang ari-arian.

Kamakailan, sinabi ni Mrs. Arroyo na dapat ang mga government officials ay magpakita ng simpleng pamumuhay sa taumbayan. Ang mga naglilingkod ay dapat na maging halimbawa at huwag na huwag magpapakita ng kapangyarihan. Ang lifestyle check ay muli na namang binuhay. Sana nga’y totoo na ang kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian.

Ang tagumpay laban sa mga corrupt ay hindi pa dapat ipagsaya ng taumbayan. Nagsisimula pa lamang batay sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan. Hangga’t walang nakikitang nakukulong na matatakaw na buwaya, hindi pa dapat magsipagsaya.

Noong Lunes ay ipinag-utos na ng Public Estates Authority (PEA) ang pagsibak sa limang PEA officials kaugnay ng maanomalyang President Diosdado Macapagal Boulevard. Pagsibak lamang ba ang dapat sa kanila na nakinabang sa overpricing ng PDMB. Umano’y nag-overpriced ng P600 milyon ang may 5.1 kilometrong highway. Ang kalsadang ito ang itinuturing na pinaka-mahal na sa bansa.

Kung pagsibak lamang sa tungkulin ang ipapataw sa lima, parang binigyan lang sila ng pera at pinagpahinga na. Ganyan lamang ba ang parusa sa mga corrupt na lumulustay sa perang galing sa taumbayan? Kung ganyan kalambot ang pamahalaan, hindi kataka-takang may mag-aklas gaya ng nangyari sa Makati noong nakaraang linggo.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF FINANCE

FINANCE DEPARTMENT

MAKATI

MRS. ARROYO

NOONG LUNES

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL BOULEVARD

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with