^

PSN Opinyon

Praning si Lacson

- Al G. Pedroche -
PARANOID (praning) si Senator at presidentiable Panfilo Lacson. Ang pagdadawit daw sa utol niyang si Romulo Lacson sa illegal possession of explosives ay isa raw paraan para siya siraan. Sinasabi rin ng mga kapanalig ng Senador na ang iniutos ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na all-out war laban sa bawal na gamot ay may layuning idawit si Lacson sa dakong huli upang bumagsak ang kanyang popularity rating.

Tsk, tsk.
Ewan ko kung dapat umangal si Lacson at ang kanyang kampo. Sa tingin ko kasi’y paborable sa kanya ang nagiging epekto ng ganitong "demolition campaign," kung talagang mayroon. Lalabas na underdog si Lacson at ang kanyang mga tirada sa diyaryo, radyo at telebisyon na kesyo "minamaniobra" na siya’y mas mayroong positibong epekto sa kanyang image. Lalabas na kontrabida ang administrasyon at ang kampanya sa pagdurog sa bawal na gamot ay mawawalan ng kredibilidad.

Magaling ang mga "think-tanks" ni Senator Ping. Alam kung paano sasakyan ang isyu. Sana naman, ang taumbayan ay magsuring mabuti. Bagamat dapat bigyan ng benefit of the doubt ang akusasyon ni Lacson, let’s not take it hook, line and sinker. Analisahin ang sitwasyon.

May mga haka-haka kasi akong naririnig na ang pag-raid diumano sa security agency ng utol ni Lacson, na kinatagpuan ng homemade bomb ay isang moro-moro para may rasong pumalag (kuno) si Lacson. Hindi naman tayo dapat lumundag agad sa ganyang konklusyon. Pero in the same vein, hindi tayo dapat agad maghusga na mayroon ngang paninira sa pagkatao ni Lacson na ginagawa ang administrasyon.

Madugo ang preparasyon ni Lacson para sa 2004. Pero paano kung si Danding Cojuangco ang mapiling standard bearer ng oposisyon? Papayag ba siyang sumegunda bilang bise? I doubt it. Pero kung aariba siya sa pagka-Pangulo kahit hindi siya ang i-endorso ng oposisyon, may panalo kaya siya lalo pa’t mababasag ang mga boto ng tao kung maraming magsisitakbo tulad nina Roco, Guingona, Pimentel at (bagamat tiniyak na hindi na tatakbo) si President GMA?

vuukle comment

ALAM

ANALISAHIN

DANDING COJUANGCO

LACSON

LALABAS

PANFILO LACSON

PERO

PRESIDENTE GLORIA MACAPAGAL ARROYO

ROMULO LACSON

SENATOR PING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with