^

PSN Opinyon

Aminin: Magulo talaga sa RP

SAPOL - Jarius Bondoc -
AYAN na naman ang ating mga pulitiko: Binubulyawan ang ambassador ng Japan dahil sa pag-amin na di siya makatulog sa takot sa Pilipinas. E sa totoo namang magulo at delikado ang sitwasyon. Sinabi lang ni Kojiro Takano ang nararamdaman niya sa malimit na patayan, kidnapping at pangingikil, di lang sa mga dayuhan kundi sa mga Pilipino mismo.

Marami sa atin ang nag-abroad na para magtrabaho, mamasyal o magnegosyo. Alam natin ang pakiramdam ng estranghero sa ibang lugar. Natatakot din tayo, at sinasabi natin ito. Sa Saudi Arabia, inis tayo sa katwirang baluktot na hindi sana nabangga ang kotse natin kung hindi tayo nagpunta roon. At mas lalo tayong galit sa motawa o religious police na nanghahalibas ng batuta sa mga nasa daan habang oras ng pagdasal. Sa Japan, takot tayo sa Yakuza; sa US, sa mapanlait na Puti. Sa Singapore, umaangal tayo sa sobrang higpit, pati chewing gum bawal; sa Hong Kong, tinutuligsa natin ang pagbawas sa suweldo ng domestic helpers. Pero hindi tayo pinalalayas ng mga bansang ‘yon.

Huwag din namang palayasin ng mga pulitiko ang ambassador na nagsabi ng niloloob. Sa halip, tingnan sana nila kung papano mahimbing na magtatrabaho, magnenegosyo at mamamasyal sa Pilipinas ang mga dayuhan. Pag-aralan kung papanong sa airport pa lang kinikikilan na sila, at hinoholdap pagsakay ng taxi. Gibain ang mga sindikatong may kapit sa pulis at militar na kumikidnap ng dayuhan para sa ransom. Higit sa lahat, alamin kung papaanong tayo mismong mga Pilipino ay mapapanatag ang kalooban imbis na nangangamba sa sitwasyon.

Nais ng mga politiko na gayahin natin ang tatlong matsing: ’Yung isa, nakatakip ang kamay sa mata, ‘yung isa sa tenga. ’Yung isa sa mata. See no evil, hear no evil, speak no evil. Magbulag-bulagan, magbingi-bingihan, magpipi-pipihan. Kaso mo, hindi kayang takpan ng kamay ang utak at puso. Alam natin ang peligro ng buhay sa Pilipinas, ramdam natin ang takot sa maaaring mangyari sa atin kung hindi nasusugpo ang krimen. Lalabas at lalabas ang katotohanan.

ALAM

HONG KONG

KOJIRO TAKANO

NATIN

PILIPINAS

PILIPINO

SA JAPAN

SA SAUDI ARABIA

SA SINGAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with