^

PSN Opinyon

Talent fee ng mga nagsiganap sa 'Pangako...,' napako

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang umaangal na ang mga star at iba pang talent ng dating telenobelang ‘‘Pangako Sa Iyo" dahil hindi pa sila binabayaran hanggang sa ngayon?

Ayon sa aking bubuwit, 36 days na lang at Pasko na naman.

Happy birthday muna kay Bro. Jojo Elleazar, Mirriam Cornelio, Sidney Cabuyadao, Leonila Bagarino, Analiza Cruz, Col. Rudy Magtibay at Charlie Lagasca ng Philippine Star.
* * *
Alam n’yo bang malungkot pa rin hanggang sa ngayon ang mga star at talent ng dating telenobelang ‘‘Pangako Sa Iyo?"

Ayon sa aking bubuwit, doble malas ang inabot ng mga talent ng dating telenobela sapagkat biglang itinigil ang nasabing show.

Una, itinigil habang ito ay nasa kainitan pa sa telebisyon at pangalawa, hindi pa sila binabayaran.

Ayon sa aking bubuwit, malaki-laki pa rin ang hindi nababayarang talent fee sa kanilang mga artista.

Aba, 14 na episodes pala ang hindi pa binabayaran ng management ng ABS-CBN. Ibig sabihin niyan ay malaki pa ang dapat nilang kolektahin.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, hindi naman puwedeng idahilan ng management ng Dos na hindi kumita ang naturang telenobela kaya hindi pa sila nababayaran.

Imposible sapagkat ito ang dating pinaka-sikat at may pinakamataas na rating sa early evening TV show. Nakikita ito sa dami ng kanilang mga advertisement.

Ang malungkot pa rito, tuwing kukunin ng mga talent ang kanilang bayad, sila ay ‘‘pinaiikot’’ at sinabing bumalik na lang kinabukasan. Kapag bumalik na sila kinabukasan wala namang maibigay.

In short, napako ang pangakong talent fee ng mga artista.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang ilan sa mga artista na napako ang talent fee ay walang iba kundi sina…

Biro niyo nga naman, pinagpaguran nila pagkatapos ay hindi babayaran.

Ang ilan sa mga umaangal na artistang hindi pa binabayaran ng Dos ay walang iba kundi sina Eula Valdez, Jericho Rosales at Christine Hermosa.

vuukle comment

ANALIZA CRUZ

AYON

CHARLIE LAGASCA

CHRISTINE HERMOSA

EULA VALDEZ

JERICHO ROSALES

PANGAKO SA IYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with