Gustong magkalupa't bahay
HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor () - November 13, 2002 - 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,

Sumulat ako dahil sa nababalitaan kong ‘‘Rent-to-Own Program’’ ng ating pamahalaan. Matagal-tagal na akong nangungupahan. Gusto kong humingi ng impormasyon kung paano mag-aaply dito. Nagtatrabaho ako bilang security guard. Anu-ano ang mga requirements at kung saan ako pupunta? –Juan Herrera, Taguig.


Ang ‘‘Rent-to-Own Program’’ ng Pag-IBIG, ang pina-kabagong housing program ng gobyerno. Maaari kang maka-avail nito kung ikaw ay member ng Pag-IBIG. Kailangang isumite ang mga sumusunod na requirements: 1.) Employment ID; 2.) Certificate of Employment and Compensation; 3.) Latest Community Tax Certificate; 4.) 4 pcs. 2 X 2 colored ID photo; 5.) Employer State Accumulated Value; 6.) Latest payslip; 7.) Marriage contract at 8.) At iba pang hihingin sa inyo ng opisina ng ‘‘Rent-to-Own program’’

Kailangang pumunta sa seminar na ginaganap tuwing Sabado, 8 a.m. sa Ground Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Maaari kang tumawag sa 810-21-26 o 811-44-01 loc 280 sa karagdagang detalye.

ATRIUM BLDG CERTIFICATE OF EMPLOYMENT AND COMPENSATION DEAR SEC EMPLOYER STATE ACCUMULATED VALUE GROUND FLOOR JUAN HERRERA KAILANGANG LATEST COMMUNITY TAX CERTIFICATE MAAARI MAKATI AVENUE OWN PROGRAM
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with