^

PSN Opinyon

Galit ng piskal

SAPOL - Jarius Bondoc -
SA biglang tingin, tila nagugulo ni State Prosecutor Emmanuel Velasco ang Nida Blanca case. Inakusahan kasi niya si Dir. Nestorio Gualberto, hepe ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, ng palpak na pag-imbestiga sa pagpaslang sa sikat na aktres. Pinahiwatig pa niyang na-torture nga si principal suspect Philip Medel na umamin sa krimen.

Sa malalimang pagsusuri, pinalalakas ni Velasco ang paratang kay Medel. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pagsulsi sa lahat ng butas sa kaso. Sinaad niya lahat ito sa isang sworn statement.

Duda talaga si Velasco kay Medel. Kaya nu’ng nagwala ito sa harap ng media, hindi basta pinalusot ni Velasco. In-order niya na ulitin ng CIDG, lalo na’t walang ibang witness na maipresenta ang PNP para idiin si Medel. Pero in-order din niya ang NBI na imbestigahan din ang kaso. Kung si Medel nga ang salarin, ani Velasco, e di ihabla siya. Pero hindi dapat i-torture. Kasi kapag umangal si Medel sa Korte na binugbog siya para umamin, absuwelto tiyak siya.

Duda rin si Velasco kay Gualberto. Kasi, matagal na niya itong nakaka-trabaho bilang piskal na taga-usig sa mga kinakasuhan ng CIDG. Marami nang nakitang kapalpakan si Velasco sa hepe. Binulungan pa siya ni ex-Justice Harriet Demetriou, abogada ng anak ni Nida, na sinabit ni Gualberto ang imbestigasyon sa Calauan rape-murders nu’ng 1996. Si Demetriou ang judge na nag-convict kay Calauan Mayor Sanchez sa pagpatay sa dalawang U.P.-Los Baños students. Kaya nu’ng simula pa lang, ipinayo na ni Velasco kay Justice Secretary Nani Perez na isama ang NBI sa pag-imbestiga ng Nida Blanca murder. Malamang kasing butas-butas ang trabaho ni Gualberto.

Maraming itinago si Gualberto kay Velasco, na inatasan ni Perez na hawakan ang kaso. Natuklasan ng piskal na asset pala si Medel ng tao ni Gualberto, si Supt. Robert Versoza. At minsan pala’y pina-confine ito ng PNP sa mental ward. Dapat alam ng piskal ito, para di-magulat sa Korte.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

vuukle comment

CALAUAN MAYOR SANCHEZ

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DUDA

GUALBERTO

JARIUS BONDOC

JUSTICE HARRIET DEMETRIOU

JUSTICE SECRETARY NANI PEREZ

MEDEL

NIDA BLANCA

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with