^

PSN Opinyon

Auditor ng COA ipinasibak ng congressman

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang ipinasibak ng isang congressman ang isang auditor ng Commission on Audit (COA)?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Jun Soller, dating Mayor Luduvico Espinosa ng Dasol, Pangasinan; Jack Mayor ng Jardine Davies Agchem; Daisy Tamayo, Efren Alano at Baby Alano.

Happy 15th wedding anniversary kina Mar & Annie Urbano.
* * *
Alam n’yo bang ipinasibak ng isang congressman ang isang auditor ng COA?

Ayon sa aking bubuwit, si Congressman ay merong mga kontrata sa isang ahensiya ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Nagsu-supply siya ng mga kagamitang pandagat.

Umaabot sa daang milyon ang kontrata ni Congressman. Ang supply niya ay mga barko o kagamitan sa barko. Si Congressman kasi ay nasa shipping industry.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, matagal na ring nasa ganyang negosyo si Congressman. Marami siyang transaksiyon sa Philippine Navy.

Inaalam pa ng aking bubuwit yung iba pang detalye ng mga kontrata ni Congressman.

Nadiskubre ng auditor ng COA na nagkaroon diumano ng over-pricing sa mga supplies. Dahil sa kanyang natuklasan ipina-hold niya ang pagbabayad kay Congressman.

Dahil sa ginawa ng auditor, gumanti si Congressman. Ipinatanggal niya si Auditor.

Maimpluwensiya kasi si Congressman sapagkat siya ay member ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Ang hirap namang magtrabaho sa gobyerno. Kapag gumagawa ka ng tapat matatanggal ka pa sa serbisyo. Lalo na kapag hindi napagbigyan ang request ng mga pulitiko.

Paano malulutas ang problema ng graft and corruption sa gobyerno kung ganito ang mga congressman natin?

Ayon sa aking bubuwit, ang auditor na sinibak sa trabaho dahil pinigil ang pagbabayad sa congressman tungkol sa over priced na kontrata ay si Mr. R. as in Ramon. Ang congressman naman na nagpasibak sa kanya ay walang iba kundi si Congressman S. as in Supplies.

vuukle comment

ANNIE URBANO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BABY ALANO

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN S

DAHIL

DAISY TAMAYO

EFREN ALANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with