Tooth abscess

Bacterial infection ang dahilan kung bakit may tooth abscess o nana. Nakapaligid ang nana sa ugat ng ngipin. Maaaring kumalat ang infection mula sa bibig hanggang sa pinaka-puno ng ngipin. Kung ang nana ay magsimula sa upper jaw, may pangamba na magiging dahilan ito sa pagkakaroon ng sinus. Maaari ring may infected ma- terial na kumalat sa dugo na magdudulot pa ng impeksiyon sa kahit anong bahagi ng katawan.

Ang pagkakaroon ng nana sa ngipin ay maaaring mangyari kahit na kanino. Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagsakit ng ngipin, sensitivity sa mainit at malamig, mararamdaman ang pamamaga sa puno ng ngipin at mamumula ang mukha. Maaaring magkaroon ng lagnat at malaise. Kawalan ng gana sa pagkain at masakit ang pagnguya.

Kapag pumutok ang nana, magkakaroon ng foul taste at magiging mabaho ang hininga. Kapag nagkaroon ng mga nabanggit na sintomas, nararapat magpatingin kaagad sa dentista.

Ang paggamot sa may nanang ngipin ay kinapapalooban ng pag-drain sa abscess sa pamamagitan ng small incision sa gum or tooth canal. Isang maliit na tube naman ang ii-insert upang makuha lahat ang nana.

Bibigyan ng antibiotics at pain relieving drug ang pasyente at papayuhang sa kabilang side muna ngumuya hanggang ginagamot ang abscess sa apektadong ngipin. Ang recovery ay mabilis lamang at ganap nang magaling sa loob ng ilang araw.

Pinakamahalaga ang pananatiling malinis sa mga ngipin. Gawing regular ang pagto-toothbrush upang maiwasan ang pagkabulok ng ngipin. Ipa-checkup nang regular ang mga ngipin upang makita ng dentista ang palatandaan ng nabubulok na ngipin.

Show comments