^

PSN Opinyon

Hindi lang basta gulay ang malunggay

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NATATANDAAN ko nang minsang mag-outreach program ang TV show ‘‘MAHAL’’ sa Santa Rita, Pampanga. Napansin ko ang isang pitong taong gulang ng bata na umiiyak dahil nadapa siya at nasugatan ang tuhod. Isang matandang babae na pumipila para sa aming ipinamumudmod na relief goods ang lumapit sa bata at pumitas ng mga dahon ng malunggay at piniga ang katas sa sugat ng bata.

Napag-alaman namin na ang katas ng dahon ng malunggay ay pampatigil ng pagdurugo at gamot sa sugat. Isang kasamahan ang pabirong nagsabi na maging sa mga lalaking tinuli ay mabisa ang katas ng malunggay.

Isang medical researcher sa UP Los Baños na nakasama namin bilang isang volunteer public servant ang nagpaliwanag na ang malunggay ay may anti-inflammatory and anti-bacterial properties. Sinabi niya na ang dahon ng malunggay na isinasahog sa ginisang monggo at tinolang manok ay nagtataglay ng calcium, iron, phosphorous, Vitamins A, B and C bukod pa sa mayaman ito sa protina at carbohydrates.

Mabuti rin ang malunggay sa mga babaing bagong panganak at nagpapasuso ng sanggol. Sa mga sustansiyang taglay ng malunggay ay dumarami ang gatas ng ina.

Ang kapitbahay kong si Paraluman ay nagbi-breast feed ng kanyang sanggol. Sabi ni Paraluman, araw-araw siyang kumakain ng malunggay. Ang dalawang anak niya, sina Paolo at Pauline, ay pareho niyang pinasuso. Malulusog ang mga bata at hindi kaagad dinadapuan ng sakit gaya ng sipon at ubo. Iba talaga ang sumususo sa gatas ng ina.

vuukle comment

B AND C

ISANG

LOS BA

MALULUSOG

MALUNGGAY

NAPAG

NAPANSIN

PARALUMAN

SANTA RITA

VITAMINS A

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with