Sa kaisahan o kasamahan ng mga banal o mga santo, tayo na nabubuhay pa dito sa lupa ay nagdarasal para sa ating mga patay. Nag-aalay tayo ng Misa para sa kanila. Nagdarasal tayo sa Diyos na dalhin ang mga kaluluwa ng ating mga patay sa walang-hanggang buhay at kaligayahan na kapiling niya. At hindi dapat kalimutan na tayo rin ay ipinagdarasal ng mga kaluluwa sa purgatoryo.
Narito ang mga nakakapagpalubag-loob na mga kataga mula sa aklat ng Karunungan sa Lumang Tipan (Kar. 3:1-9).
Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos, at hindi sila makararanas ng kamunti mang pahirap. Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay mamamatay: Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan, at ang pagpanaw nila ay tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, silay nananahimik na. Bagamat sa tingin ng tao silay pinarusahan, ngunit ang totoo, silay nasa buhay na walang hanggan. Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala, napatunayan ng Diyos na silay karapat-dapat. Silay kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan, kayat silay tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
Pagdating ng Panginoon para gantimpalaan ang mga banal, magniningning silang parang ningas ng nagliliyab na dayami. Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig, at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman. Ang mga nagtitiwala sa kanya ay makauunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan. At ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig, sapagkat siyay mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang."
Ang mga katagang itoy dapat magbigay sa atin ng pag-asa. Ang purgatoryo ay isang lugar ng kapayapaan. Ito ay lugar ng pag-asam. Ganap na kaligayahan ang wakas.
Ipanalangin ninyo ang mga namatay ninyong kaanak at mga kaibigan. Manalangin din kayo sa kanila.