Alagaan ang mga ngipin
September 23, 2001 | 12:00am
Simula sa pagkabata ay dapat nang alagaan ang mga ngipin. Dapat ipamulat ng mga magulang sa kanilang mga anak ang tamang paglilinis ng ngipin. Ito ang ipinayo ni Dr. Noel Velasco, dento, facial and jaw joints specialist. Sinabi ni Dr. Velasco na anumang orthodontic problems ay nararapat malunasan agad. Ipinapayo niya sa mga bata na sumailalim sa orthodontic evaluation mula anim na taong gulang. Ang paggamit ng braces ay inirerekomenda niya lalo na sa may mga ngiping sungki-sungki. Ang pagtubo ng ngipin sa maling posisyon ay maagang maiwawasto ng dentista.
Ayon sa kanya ang bad bite na tinatawag na malocclusion ay malaking pinsala sa tao. Dahil sa bad bite kaya nagkakaroon ng pagsisiksikan ang ngipin, pagtubo ng extra teeth, missing teeth at nawawala sa tamang posisyon ang panga at kapag hindi ito naagapang maisaayos, itoy magreresulta ng paghaba ng baba.
Ang paninigarilyo ay masama sa mga ngipin. Naninilaw at umiitim ang ngipin dahil sa nicotine ng sigarilyo. Mabubulok ang mga ngipin na pinagmumulan ng mabahong hininga. Walang remedyo sa problemang ito kundi ang tumigil sa paninigarilyo.
Ipinaalala ni Dr. Velasco sa mga magulang na huwag tatakutin ang kanilang mga anak na dadalhin sa dentista kapag ito ay malikot o sutil. Itoy pinagmumulan ng dental phobia. Kinakailangan aniya na magkakaroon ng magandang relasyon ang mga bata at dentista upang maiwasan ang anumang trauma. Mahigpit na tumututol si Dr. Velasco sa agarang pagbubunot ng ngipin, naniniwala siya na hanggat magagamot ang ngipin hindi ito dapat bunutin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended