^

PSN Opinyon

Tama si Senator Loi: I-legalize ang jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Marami ang nagtaas ng kilay at tumawa sa pahayag ni Sen. Loi Ejercito na gusto niyang i-legalize itong jueteng operations sa bansa. Para sa mga kritiko ni Ejercito, lumabas na rin ang katotohanan na itong senadora natin ay walang alam at kaya niya pinatulan ang jueteng ay para lamang siya ay mapag-usapan.

Pero sa tingin ko, nasa tamang landas itong si Senator Loi at nakikita ko na ang kapakanan at kabuhayan ng masa ang kanyang pinoprotektahan. Tama lang na i-legalize itong jueteng dahil sa harap-harapang pagnanakaw ng mga gambling lords sa masa na tumatangkilik sa pamilya ni Erap Estrada. Hindi kaya ng ating pulisya na ipasara itong jueteng at sa katunayan maging ang kanilang hanay ay nabubulok sa sistema dahil sa tinatawag na lingguhang intelihensiya na pati opisina mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Leandro Mendoza ay nabahiran na. Totoo ba ’to? Nakakahiya! Kaya naman nandadaya ang mga jueteng lords ay para makakalap ng pondo para sa malaking intelihensiya sa pulisya at mga local government officials.

Sinabi ng aking espiya na tatlong klaseng dayaan na ang pinaiiral ng mga jueteng lords sa bansa. Ito ang mga tinatawag na "boka", bola "diskarte" o "kaskas". Sa "boka" sinasabi na lamang ng mga jueteng lords sa mga kubrador kung anong numero ang lumabas, sa "diskarteng bola" naman ay may tiyak na numerong lalabas kahit hindi pa binobola at ang "kaskas" naman ay dinidiskarte ng mga kubrador ang ilang bahagi ng koleksiyon nila. Isa sa mga gumagamit ng "boka" sa ngayon ay itong si Totoy Jarota ng San Pablo, Laguna. Si Jarota ang siyang dummy ni Charing Magbuhos, ang jueteng Queen ng Southern Tagalog na nakabase sa Quezon.

Palaging binabanggit ni Magbuhos sa kanyang operasyon itong si Director Reynaldo Wycoco, ng National Bureau of Investigation (NBI). Magkano... este, bakit? Ang gumagamit naman ng "bola diskarte" ay itong si Bong Pineda ang jueteng king ng Central Luzon na konektado naman kay President Arroyo, Viceo brothers ng Bulacan; Tony Santos at Eddie Caro ng Marikina City; Engr. Sanchez ng Batangas at Kabikulan; at Bonito Singson ng Ilocos, anang aking espiya.

Para patunayan na laganap na ang dayaan sa jueteng, may nangyari sa Las Piñas City ng nakaraang buwan kung saan nahulihan ng mga kubrador ang isang empleado nina Pineda at Santos ng dalawang bulletin na nakaipit sa mga daliri nito na palaging nakatikom. Bugbog-sarado si loko. Kaya tama lang itong panukala ni Senator Loi na i-legalize ang jueteng para protektahan ang masa sa mga ganid at manlolokong jueteng lords.
* * * * *
VK Watch! — Sa bayan ng Tiaong, Quezon, lalo na sa Bgy. Lusacan ay laganap na rin ang video karera at mukhang hindi kumikilos si Mayor Leleng Umali na ipatigil ito. Paano na lang sa ngayon ang kinabukasan ng aming mga anak, ang tanong ng mga magulang na taga-Tiaong na sumulat sa akin. Mayor Umali, paki-aksiyunan mo nga ang problemang ito para sigurado na ang re-election bid mo sa darating na halalan. Pag hindi ka umaksiyon, ibig sabihin nabahiran na rin ng "grasya" ang opisina mo, Mayor Umali.

vuukle comment

BONG PINEDA

BONITO SINGSON

CENTRAL LUZON

CHARING MAGBUHOS

ITONG

JUETENG

MAYOR UMALI

SENATOR LOI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with