^

PSN Opinyon

SPO4 Carbonnel at SPO1 Bautista wala raw makina

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Sumulat sa akin sina SPO4 Rolando Carbonnel at SPO1 Alfredo Bautista, kapwa miyembro ng City Hall detachment ng Pasay City police at nagdi-demand ng public apology dahil sa pagsangkot ko sa kanila sa operation ng video karera sa siyudad ni Mayor Peewee Trinidad. Mariing pinabulaanan nina Carbonnel at Bautista na may mga makina sila at hindi rin umano sila nasa likod ng nakawan ng video karera sa lungsod. Nagbabanta silang magsasampa ng libelo kapag hindi ako nag-public apology sa kanila.

Dahil sa ulat nina Carbonnel at Bautista, nagpadala ako ng maraming espiya diyan sa Pasay City para mangbuklat ng mga baho ukol sa video karera. Pero hindi pa nagrereport itong mga espiya ko gayunman may sumulat sa aking concerned citizen kung saan inisa-isa niya ang mga operators ng video karera roon at kung saan nakapuwesto ang mga ito.

Ayon sa sulat, si Carbonnel ay may dalawang nakapuwestong makina sa Leveriza at Suerte Sts., samantalang ang kay Bautista naman ay nasa kalye ng Malibay. Mukhang sina Carbonnel at Bautista lang at ang hepe nilang si Insp. Carlos Ogalinola ang hindi nakakaalam na may mga makina pala sila. Baka may sakit ba kayong amnesia mga Sirs’. At kaya pala tahimik itong opisina ni Supt. Alex Gutierrez, ang hepe ng pulisya ng Pasay City, eh ang mismong si Insp. Arthur Paras ay luminya rin sa video karera, anang sumulat sa akin. Ang makina ni Paras ay naka-umbrella kay Jerry San Juan.

Narito pa ang mga pulis na mga video karera operators at ang location ng kanilang mga makina; SPO4 Leo Pallatao ng anti-vice may limang makina na nakalatag sa Maginhawa at Salud Sts., SPO3 Rolando Pura ng anti-vice, may sampung makina na nakapuwesto sa Mariano St., sa palengke at sa Maricaban St.; Sr. Insp. Padrique na may dalawang makina sa ilalim ng hagdanan ng palengke; SPO1 Willy Hidalgo ng NCRPO may makina sa D. Reyes Dulo (bahay na bato); PO3 Cabatingan ng SPD may tatlong makina sa Maginhawa St.; PO2 Cesar Nazareno ng anti-vice may makina sa Liman at Salud Sts.; PO3 Boy Palconit ng traffic may makina sa San Juan at Propitarious Sts.; PO2 Elmer Saño ng anti-vice may makinang nakapuwesto sa J. Luna St., PO2 Bonifacio Rivera ng anti-vice may makina sa Gideon St., sa likod ng Petron Station sa Taft Ave., at sa White House sa palengke; SPO1 Mel Pedroza ng anti-vice sa Putohan at Tramo Sts.; at SPO1 Bong Inzon ng intelligence na may makina sa Tramo. Ang lahat ng mga video karera na ito ay naka-umbrella kina Jun San Juan at Pura alyas Smiley, anang sumulat sa akin.

Ngayon Mayor Trinidad, kung tahimik ang mga pulis mo laban sa video karera ay alam mo na kung bakit. Nagpapasalamat naman ako sa sulat nina Carbonnel at Bautista dahil kung wala ’yon nabaling na sana sa ibang lugar ang atensiyon ko sa pagpuksa ng laganap na video karera sa bansa. Bukas naman ang mga VK operators na sibilyan.

vuukle comment

ALEX GUTIERREZ

ALFREDO BAUTISTA

BAUTISTA

CARBONNEL

KARERA

MAKINA

PASAY CITY

SALUD STS

VIDEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with