^

PSN Opinyon

Maganda ang record ni Col. Querol pero...

-
May grupo ng Manila police na kung tawagin ay ‘‘dirty 20’’ na kasalukuyang namamayagpag diyan sa area ng Northern Police District (NPD). Pero hindi tulad ng ‘‘dirty dozen’’ noon ni Gen. Alfredo Lim na kinakatakutan ng mga kriminal itong ‘‘dirty 20’’ ni Senior Supt. Vidal Querol, hepe ng NPD ay kinatatakutan lamang ng mga gambling lords at operators ng mga bold shows.

Ang ‘‘dirty 20’’ na pinamumunuan ng isang alyas Martin, ang sentro sa ngayon ng inggit ng orihinal na NPD rank and file, siyempre dahil sa salaping nakamal nila sa kanilang lingguhang koleksiyon. Ang reklamo ng taga-NPD ayon sa aking espiya, ay ‘‘sila ang nagsaing at iba ang kumain.’’ He-he-he! Ano ba ’yan. May interes din pala.

Si Martin, ayon sa aking espiya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’90. Ganyan ba ang natutunan niya sa apat na taong pakikibaka sa PMA, ang mangolekta ng ‘‘tong?’’ Tanong lang. ‘Bok, humabol ka naman ng kriminal.

Subalit kahit namamayagpag itong ‘‘dirty 20’’ mukhang patuloy pa rin ang operasyon ng ilegal gambling at bold shows diyan sa Caloocan City, Malabon, Navotas at Valenzuela City (CAMANAVA), anang aking espiya. Ang malalaking jueteng operators diyan sa CAMANAVA ay sina Boy Aquino, Aging at Tony Galgana. Ang mga financiers naman ng bookies ng jai alai at karera, sakla, lotteng at PBA ending, video karera at iba pa ay sina Lucy Santos, Ronnie Hapon, Mario Bukbok, Yson, Boy Rosie, Onnie, Cito, Nikkie, Bernard, Maritoni, Kalabaw, Baki, Perong, Doring, Dong Tungol, Buting at Edgar, Letty Puti, Ely Mango, Rey Recto, Letty Itim, Buknoy, Rod Viduya, Danny Estacio at Danny Estanislao. Ang dami nila at mukhang malaki rin ang koleksiyon no?

Maganda ang service record nitong si Querol pero sa tingin ko dahil kay Martin baka sumemplang siya at hindi na niya makamit ang pinakamimithing maging hepe ng Western Police District (WPD). Di ba umuugong na sa labas na si Querol nga ang susunod na hepe ng WPD? Kelan kaya matapos ang ban sa appointment ng Commission on Elections (Comelec)? Malapit na di ba?

Kung sabagay, hindi lang sa NPD naging ‘‘open city’’ itong operasyon ng ilegal gambling kundi sa buong bansa na. Habang abala ang mga military natin sa pakikibaka sa mga Abu Sayyaf sa Basilan at Sulu, itong ating kapulisan naman ay abala rin – sa pagpuno ng kanilang mga bulsa ng salapi galing sa ilegal. Hay naku, kumilos ka na Philippine National Police (PNP) chief Director General Leandro Mendoza. Kelan pa kaya mamumulat ang iyong isipan ukol sa ’yong kakulangan? Kapag na-impeach na rin si President Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa jueteng? Ano ba ’yan?

Mukhang pati si GMA ay nahawa na rin ng sakit na bulag, pipi at bingi dahil hindi niya maaksiyunan itong si Central Luzon jueteng king Bong Pineda na tuloy na uli ang ligaya. Hay naku! Paano makababangon itong bansa natin?

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALFREDO LIM

ANO

BONG PINEDA

BOY AQUINO

BOY ROSIE

CALOOCAN CITY

CENTRAL LUZON

DANNY ESTACIO

DANNY ESTANISLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with