^

PSN Opinyon

Cabinet Usec. kasabwat ang 2 niyang chiching sa katiwalian

-
Alam n’yo bang dala-dalawa ang chiching ng isang Cabinet undersecretary at kasabwat niya ang mga ito sa katiwalian?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Rauol del Mar ng Cebu City; Rep. Eladio Jala ng Bohol at Rep. Julita Villareal ng Nueva Ecija.

Congratulations sa mga taga-Toyota Motor Philippines, kina Mr. Fokuda, Mr. Ono, Alfred Ty, Danny Isla, Mr. Serafin Pantaleon, Leo Feria at Ariel de Jesus sa launching ng kanilang bagong Toyota Revo SR at Revo SRJ.
* * *
Alam n’yo bang dala-dalawa ang chiching ng isang Cabinet undersecretary at kasabwat niya ang mga ito sa katiwalian?

Ayon sa aking bubuwit, tahimik lamang itong si undersecretary pero matinik pala sa chiching. Simple lamang siya. Mabait pero malalim. Akala mo ay hindi makabasag-pinggan, ’yun pala’y iba ang binabasag ng kumag.

Hindi lang siya sa chiching matinik. Pati sa kanyang raket ay mabilis. Hindi masyadong buking sa kanyang raket sapagkat ang kasabwat dito ay ang kanyang chiching. Ito ay supplier naman ng Xerox machine.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang brand ng produkto ng chiching ni Undersecretary ay Fuji Xerox. Kaya ang bansag ngayon kay Undersecretary ay Mr. Fuji. Ang chiching ni Undersecretary ay itatago ko sa pangalang Baby G. Ito ay nakatira sa UP Bliss. Malapit lamang sa opisina ni Undersecretary. Kaya kapag lunch time ay nawawala si Undersecretary sa office. Ito ay kumakain sa bahay ni Baby G.

Ano ba Undersecretary ang ipinakakain sa iyo ni Baby G.? At ano naman ang kinakain mo tuwing tanghalian?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang mabuking ang raket ni Undersecretary at Baby G. tungkol sa supply ng Fuji Xerox, nagbago naman sila ng brand. Pinalitan ito ng Copy Quest kaya ang bansag naman ngayon kay Undersecretary ay hindi na Mr. Fuji kundi Mr. Quest.

Ang iba pang raket ni Undersecretary ay ang conversion ng lupa. Kasabwat naman niya rito ang ilang abogado at ang isa pa niyang chiching na nasa Records Division.

Bakante ang posisyon ng head sa Records Division subalit hindi siya naglalagay ng opisyal doon dahil nakareserba pala ito sa kanyang chiching.

Hindi pa niya maipuwesto ang kanyang chiching dahil hindi pa ito qualified – hindi pa tapos mag-master.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang chiching no. 2 ni Undersecretary ay dati pala niyang secretary. Ito ay morena, malaki ang mga mata, katamtaman ang katawan at taas. Itatago ko siya sa pangalang Ms. Nessie.

Ang Undersecretary na tahimik pero mapanganib sa chiching ay si Undersecretary...

Ito ay si Undersecretary R. as in Romeo ng Quezon Memorial Circle.

vuukle comment

AYON

BABY G

CENTER

CHICHING

FUJI XEROX

MR. FUJI

UNDERSECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with