Ang talinghaga ng pamahiin
January 6, 2001 | 12:00am
Ang magsasaka ang pinaka-mapamahiin sa buong nayon. Ang kanyang mga paniwala ang sumusupil sa pang-araw-raw niyang buhay.
Naniniwala siya na kaya namatay ang kanyang kuya ay dahil sa pusang itim na dumaan sa harap nito kaya naaksidente at namatay. Nang ang tanim na mais ay bungi-bungi ang bunga, sinisi nito ang pamangkin na kulang ang ngipin. Bumungisngis kasi habang inihuhulog ang butil ng mais sa tinatanimang lupa. Lahat ng ito ay mga pamahiing pinaniniwalaan ng magsasaka.
Samantala ang matalik na kaibigan ng magsasaka ay walang kapani-paniwala sa mga pamahiin.
Tingnan mo ang aking tiyo, nakabasag ng salamin. Tatlong taon na ang nakakaraan. Wala namang kamalasang dumarating?
Maghintay ka lang. Pitong taong malas kapag nakabasag ng salamin, sabi ng magsasaka. Tingnan mo. Nang mamatay si Konsehal sinabi kong huwag isuot ang maluwag na Barong Tagalog. Eh di pagkaraan ng isang buwan namatay din ang pamangkin. Nang ilibing ay pinayuhan ko sila na iklian ang kabaong. May puwang kasi sa talampakan ng patay sa dulo ng kahon. O paglipas ng dalawang linggo ay pumanaw ang kanilang lola.
Sige na nga, sagot ng kaibigan. "Mamayang gabi ay dadalo ako sa handaan ng pinsan ko sa karatig nayon. Pang labintatlo raw ako.
Ay naku, malas sa lahat iyan, payo ng magsasaka. Kung ako ikaw, hindi ako pupunta para maiwasan ang sakuna.
Pero pumunta rin ang kaibigan sa handaan. Kinabukasan ay nagkita sila.
O, ano, hindi ba malas? tanong ng magsasaka.
Tama ka, malas nga."
Ano ang nangyari?
Ako ang pang-labintatlo. Samantalang ang pagkain ay kasya lamang sa labindalawa. Talagang malas ako.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended