^

PSN Opinyon

PILANTIK - Naiibang Bagong Taon

- Ni Dadong Matinik -
Maraming problema ating bansa ngayon
Dahil pulitika’y sala sa panahon,
Ang ekonomiya’y pabagsak ang daloy
Kung kaya malungkot ating Bagong Taon!

Dati-rati naman panahon ganito
Palaging masaya pagsapit ng Pasko,
Subalit sa ngayon ay makikita mo
Luksa kung pagmasdan ang lahat ng dako!

Pasko’y sumasapit na napakasaya
Sa mga tahana’y may mga parol pa,
Ngayo’y pagmasdan mo’t mga bintanilya
Iilang kutitap doo’y makikita!

Itudla ang tingin sa dukhang tahanan
Kahit na gasera’y parang walang ilaw,
Mumunting kandila roon sa altaran
Umaandap ito’y hindi makatanglaw!

Sa mga tahanang magara’t malaki
Di mo na mapansin mga palamuti,
Marahil dahilan ay baka nalugi
Sa kanyang negosyo mga negosyante!

Pati ang panahong Disyembreng kay lamig
Parang naglaho na dating halumigmig,
Ang hanging amihan kung ngayo’y umihip
Wala na ang samyo na amoy pinipig!

vuukle comment

BAGONG TAON

DAHIL

DATI

DISYEMBRENG

IILANG

ITUDLA

KAHIT

LUKSA

MARAHIL

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with