^

PSN Opinyon

Papuri sa dakilang doktora

-
Marami ang nakakakilala kay Dr. Fe del Mundo na ang pangalan ay nangangahulugan sa wikang Ingles na ‘‘faith of the world.’’ Masasabing si Dr. del Mundo ay isang dakilang manggagamot at isang woman for all seasons. Bukas ay ika-94 na kaarawan ni Dr. del Mundo. Ipinanganak siya sa Maynila noong Nobyembre 27, 1911.

Nagtapos siya ng Medisina noong 1933 sa University of the Philippines at nagpakadalubhasa sa iba’t ibang pamantasan sa United States. Ang lahat ng kanyang natutuhan ay ginamit niya para mapaunlad ang larangan ng medisina sa sariling bayan, lalo na sa pediatrics.

Si Dr. Del Mundo ang first lady president ng Manila Medical Society, Philippine Pediatric Society, Philippine Medical Association at first Asian President ng Medical Women’s International.

Naging propesora siya sa Far Eastern University at sumulat nang mahigit sa 150 scientific papers. Sa loob ng 20 taon ay nagsulat ng kanyang weekly health column sa Sunday Times Magazine na ang pamagat ay ‘‘Baby and You."

Siya rin ang nagtatag ng Children’s Home, Children Medical Center at Institute of Maternal and Child Health.

Tumanggap siya ng maraming awards dito sa bansa at maging sa ibang bansa. Kabilang sa mga natatanging awards ni Dr. Del Mundo ay ang Elizabeth Blackwell Award for outstanding service to mankind noong 1966; Ramon Magsaysay for Public Service by a private citizen noong 1977; Academian-National Academy of Science and Technology 1979 at ang National Scientist Award 1980.

Bagamat hindi nakapag-asawa, milyong kabataan, na ang karamihan ay mga sikat na tao na sa lipunan ngayon, ang kanyang inaruga. Para sa kanya ang maglingkod sa kapwa at madugtungan ang buhay ng maysakit ang dakilang adhikain niya sa buhay. Noong nakaraang Medicine Week, pinarangalan siya ng Manila Medical Society sa karangalang ‘‘Most Outstanding Medical Practitioner of the 21st Century. Ako ay naghandog ng isang kundiman sa kanya. Happy birthday Dr. Del Mundo. Pagpalain ka ng Dakilang Maykapal ngayon at kailanman.

vuukle comment

ACADEMIAN-NATIONAL ACADEMY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

ASIAN PRESIDENT

BABY AND YOU

CHILDREN MEDICAL CENTER

DAKILANG MAYKAPAL

DR. DEL MUNDO

DR. FE

ELIZABETH BLACKWELL AWARD

MANILA MEDICAL SOCIETY

MUNDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with