Buo pa rin ang ‘slam’
May litrato ni Carlos Yulo sa Nagoya na dapat i-frame sa PSC House.
Lutang sa ere, tiklop ang katawan. Walang ngiwi, kontrolado. Iyon din ang vault na nagbigay sa kanya ng ginto sa Paris.
Iyon din ang vault na nagbigay sa kanya ng ginto ulit sa Japan noong nakaraang buwan.
Iyon ay mula sa batang talunan sa 2018 Asian Games at sa 2021 Tokyo Olympics.
Mula doon, sumirit siya sa pagiging double-gold champ sa 2024 Paris Olympics at sa kalilipas na 2026 Nagoya Asiad.
Dahil nabokya sa World Championships sa Rotterdam, siguradong kukuyugin siya ng mga alaskador sa social media.
Pero naniniwala akong mentally tough si Carlos, at kaya niya itong lagpasan.
Ganyan naman ang gymnastics – paikot-ikot, hindi puro pataas lang.
Hindi pa tapos si Yulo sa edad na 26. Maaaring katapusan lang ito ng Yulo Chapter I.
Ang tanong lamang eh: “Ano’ng gagawin ni Carlos Yulo ngayong na-miss niya ang podium finish sa Rotterdam?”
Pang-walo siya sa floor exercise at pang-pito sa vault.
Para sa akin, dapat isipin ni Caloy na hindi naman nawala sa kanya ang kanyang “slam.”
Ang nawala eh, ang bigat at pressure nang manatili sa itaas.
Magaan na uli ang katawan ni Caloy na muling hahabol ng Olympic glory sa 2028 LA Games.
- Latest






















