^

True Confessions

Apoy Sa Balsa (62)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAKATUTOK ang lahat ng mata ng creative team sa malaking whiteboard sa conference room. Excited ang tatlong junior copywriters at si Jasper, ang lead concept artist, habang nag-aagawan sa pagbibigay ng romantic tropes para sa bagong digital ad ni Kael at Winona.

“Ma’am Rhea!” masa­yang panimula ni Jasper. “Paano kung maulan, after nila umorder sa drive thru masisira ‘yung kotse nila? Magkasama sila sa ilalim ng iisang ­payong, tapos magkakatitigan nang matagal... bago magkaroon ng passionate kissing scene!”

Umayos ng upo si Rhea. Inayos niya ang kanyang salamin at malamig na tinitigan si Jasper.

“Passionate kiss?” seryosong tanong ni Rhea. “Jasper, fast-food chain ang kliyente natin, hindi contraceptive products. Rejected.”

“Eh kung hawak-kamay na lang habang kumakain?” hirit ng isang copywriter.

“Hindi maganda ‘yan,” mabilis na sagot ni Rhea, habang binubura ang sinusulat sa board. “Kumakain ng burger at fries habang magka-holding hands? Ang unsanitary tingnan. Rejected.”

Unti-unting nagkatinginan ang buong team.

“Eh Ma’am Rhea, paano ‘yung chemistry?” tanong ng intern. “Gusto nga po ng client na kiligin ‘yung fans ng WiKael!”

“Ang chemistry ay hindi kailangang exaggerated,” pahayag ni Rhea sa kanyang pinakaseryosong corporate voice. “Gusto natin ng aspirational ­restraint. Sa bagong storyline, magkakasalubong lang sila sa counter ng fastfood, mag-o-offer si Kael ng tissue, tatango si Winona, at kakain sila nang magkahiwalay sa magkaibang mesa. Minimal eye contact. Mas nagpo-focus sa burger at fries.”

Napatitig ang buong team sa kaniya, tulala sa sobrang boring at kawalan ng kilig sa konsepto ni Rhea.

“Ma’am... parang magkapitbahay lang na hindi masyadong close ‘yung characters nila?” kamot-ulong sabi ni Jasper.

Tumingin si Rhea sa kaniya, may maikling ngiti sa labi. “Exactly, Jasper. That’s brand safety.”

(Itutuloy)

JASPER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with