^

Probinsiya

Mekaniko inutusan ng biyenan utas sa ambush sa Dasma

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mekaniko inutusan ng biyenan utas sa ambush sa Dasma
Brgy. Sampaloc 4 Dasmariñas City Cavite as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mekaniko na inutusan lamang ng biyenan na manghiram ng baretang bakal nang pagbabarilin ng isang lalaki na una nang nagbabanta sa kanyang buhay habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Sampaloc 4 Dasmariñas City Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilala sa alyas “Ramir,” 32-anyos, mekaniko, residente ng Bautista Property sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Nakilala naman ang suspek sa alyas “John”, nasa hustong gulang, na siya rin umanong nagpapadala ng mga death threats sa biktima.

Base sa imbestigasyon, alas-8:45 ng umaga, sakay ng motorsiklo nito ang biktima at bumabagtas patungo sana sa bahay ng kakilala nito at hihiram ng baretang bakal nang dikitan ng suspek pagsapit sa nasabing lugar at sunud-sunod siyang pinaputukan.

Nakilala ang suspek matapos na masaksihan ng ilang residente rito ang isinagawang pananambang sa biktima.

Ayon sa misis ng biktima, may mga death threats na natanggap ang kaniyang mister mula sa nasabing suspek bago ang krimen.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with