Call center agent, tiklo sa 10 counts qualified theft

MANILA, Philippines — Isang call center agent na top 5 most wanted dahil sa 10 patong na mga kaso ng pagnanakaw ang inaresto ng Pasig Police sa kanyang pinapasukang kumpanya, sa Quezon City, Biyernes ng hapon.
Sa ulat ni Pasig City Police Station Chief, P/Colonel Hendrix Mangaldan, ang 24-anyos na lalaking akusado ay sinilbihan ng warrant of arrest sa kasong 10 counts of Qualified Theft.
Sa pamamagitan ng intel-driven information, nadakip ang akusado sa pamamagitan ng inisyung arrest warrant ng Pasig Regional Trial Court, Branch 151, na may petsang Abril 22, 2026 na may inirekomendang P370,000.00 piyansa.
Dakong alas-5:00 ng hapon ng Hulyo 24, nang mismong sa establisyementong pinapasukan inaresto ang akusado na matatagpuan sa E. Rodriguez Avenue, Barangay Mariana, Quezon City.
- Latest




















