^

PSN Showbiz

ABS-CBN Entertainment, may 55 milyong subscribers na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN Entertainment, may 55 milyong subscribers na!
Melai Cantiveros
STAR / File

Iba na talaga ang vieweng habit ngayon.

Nag-adjust na lahat. Kaya naman jackpot ang ABS-CBN na nananatiling konektado sa mga Pinoy online matapos magtala ang ABS-CBN Entertainment YouTube channel ng 55 milyong subscribers para manatiling may pinakamaraming subscribers sa Southeast Asia para sa media and entertainment category.

Umabot na rin ito sa 76 bilyong lifetime views noong Hulyo 3 base sa datos ng Tubular at YouTube Analytics.

Hinabol sila lalo na at maraming pwedeng pagpilian sa kanilang YouTube channel tulad ng full episodes ng mga kasalukuyang umeereng programa at well-loved classics, highlights at exclusive videos.

Available rin dito ang Kapamilya Online Live kung saan mayroon 24/7 livestreaming ng iba’t ibang programa ng ABS-CBN na kasalukuyang umeere, pati na rin ang replays ng mga all-time favorite show.

Ilan sa mga maaaring panoorin ay ang mga primetime show na Coco Martin’s Sigabo, Blood vs Duty at The Alibi: Ang Buong Katotohanan, fan favorites na It’s Showtime at ASAP XP, ang newscast ng TV Patrol, at ang mga weekend game show na Kapamilya Deal or No Deal at Everybody Sing.

Patuloy rin na tinatangkilik ang mga palabas na eksklusibong napapanood online tulad ng celebrity podcast na Hot Takes at ang Bisaya talk show na Kuan on One kasama ang host na si Melai Cantiveros. Nitong taon din inilunsad sa ABS-CBN Entertainment YouTube ang kauna-unahan nitong music docu-reality show na The Next Big Band.

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with