^

Dr. Love

Takot nang mag-‘open’ kay misis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Ako po si Aldrin, may-asawa na hanggang ngayon ay hirap magsabi ng tunay kong nararamdaman kanya.

Hindi dahil wala akong tiwala sa misis ko, kundi dahil natatakot akong mapahiya uli sa harap ng aking biyenan.

May isang pagkakataon kasi na naglakas-loob akong magkuwento ng aking saloobin sa aking asawa.

Akala ko mananatili lang iyon sa aming da-lawa. Pero laking gulat ko nang malaman kong naikuwento pala niya ito sa kanyang nanay.

Simula noon, pakiramdam ko ay iba na ang tingin sa akin ng aking biyenan.

Nahihiya akong humarap at parang nawalan ako ng lakas ng loob na maging bukas muli.

Ngayon, kahit nasasaktan ako o may mga problemang gusto kong sabihin, pinipili ko na lang manahimik.

Naiipon tuloy ang bigat sa aking dibdib. Minsan naiisip ko, mali ba ang ginagawa kong pananahimik?

O tama lang bang protektahan ko ang sarili ko para hindi na muling masaktan at mapahiya?

Aldrin

Dear Aldrin,

Ang mag-asawa ay dapat maging ligtas na tahanan ng isa’t isa.

Kapag ang isang lihim na ipinagkatiwala ay nailabas sa iba nang walang pahintulot, natural lamang na masaktan at mawalan ng kumpiyansa ang taong nagtapat.

Pero tandaan mo, ang pananahimik ay hindi lunas sa sugat. Pinapahaba lamang nito ang sakit.

Mas mabuting kausapin mo ang iyong asawa sa mahinahon at ipaliwanag kung bakit ka natakot nang maging “open” muli. Hindi ito tungkol sa pagsumbat, kundi sa muling pagbubuo ng tiwala.

Mahalaga ring maunawaan ng iyong asawa na hindi lahat ng problema ng mag-asawa ay kailangang makarating sa magulang. Kapag may sariling pamilya na, ang u-nang dapat na sandalan ay ang isa’t isa.

Sabi nga sa Eclesiastes 4:9, “Mas mabuti ang dalawa kaysa isa, sapagkat may ma-buting gantimpala ang kanilang pagtutulu-ngan.”

Ang tunay na pagtutulungan ay nagsisimula sa tiwala at pag-iingat sa damdamin ng bawat isa.Huwag mong ha-
yaang ang isang masakit na karanasan ang maging pader na maglalayo sa inyong dalawa.

Gawin mo itong tulay para mas maging matatag ang inyong pagsasama.

DR. LOVE

ALDRIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with