^

Metro

Seguridad sa ‘White Ribbon’ rally sa Hunyo 28, tiniyak ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ng  Philippine National Police (PNP) ng mahigpit na seguridad para sa gagana­ping White Ribbon Movement rally sa Hunyo 28 sa Edsa People Power Monument, kung saan inaasahang dadalo ang nasa 10,000 katao.

Ang paniniyak ay ginawa ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng kanyang kautusan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at iba pang yunit ng pulisya na magsagawa ng masusing security assessment sa lugar at mga kalapit na imprastraktura.

Pangungunahan ng Inter-Religious ­Leaders Council for National Transformation mga religious group at civil society ang rally na nananawagan ng reporma sa halalan, mas mataas na pananagutan ng pamahalaan at mga hakbang laban sa korapsiyon at political dynasties.

Sinabi ni Nartatez na  prayoridad ng pulisya na mapanatiling mapayapa ang pagtitipon at maiwasan ang anumang kaguluhan.

Ayon sa lead convenor ng religious group na si Bishop Colin Bagaforo, ang naturang rally ay karugtong ng Trillion Peso March protests na isinagawa noong nakaraang taon.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with