^

Punto Mo

EDITORYAL - Urung-sulong sa pagpapabakuna nabawasan na

Pang-masa
EDITORYAL - Urung-sulong sa pagpapabakuna nabawasan na

MALAKI na ang nabawas sa mga urung-sulong sa pagpapaturok laban sa COVID-19. Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), walong porsiyento na lamang mula sa dating 18 porsiyento ang ayaw magpabakuna. Ginawa ang survey noong Disyembre 2021.

Pababa nang pababa ang bilang ng mga ayaw magpabakuna. Mula sa dating 33 percent na ginawa noong Mayo 2021, bumaba ito sa 21 percent noong Hunyo 2021, at bumagsak sa 18 percent noong Set­yembre 2021.

Iba’t iba ang dahilan kaya may urung-sulong sa pagbabakuna. May nagsasabing natatakot sila dahil mayroon silang taglay na sakit at baka lalo itong lumubha kung mabakunahan. Mayroong bawal daw sa kanilang relihiyon ang bakuna at may mga nagsabing nahihirapan silang magparehistro on-line o magpa-schedule at may nagsabi rin na hindi nila alam kung saan ang vaccination sites at wala ring nag­sasabi sa kanila ukol dito.

Habang araw-araw ay mataas ang naitatalang COVID cases, nagbibigay pag-asa naman na marami na ang nagpapabakuna at pakonti na nang pakonti ang mga urung-sulong. Maaaring sa susunod na buwan ay mas maliit na porsiyento na lamang ang tuma­tangging magpabakuna.

Isa sa maaring dahilan kaya marami na ang nagpapabakuna ay dahil pinaluluwag at pinadadali na ng local government units (LGUs) ang sistema sa vaccination. Dahil mas maluwag at accessible na sa mga tao, nahihikayat ang marami na magpabakuna.

Gaya sa Quezon City na maluwag at napakabilis­ ng sistema kaya dagsa ang mga tao. Maraming vac­cination centers na mapupuntahan ang mga residente at puwede ang walk-in. Hindi na kailangang mag-online para mabakunahan. Kahit first dose, second dose o magpapa-booster shots wala nang kahirap-hirap sa mga residente. Wala nang marami pang kuskos balungos. Ganito dapat ang ginagawa. Kaila­ngang padaliin at paluwagin ang pagbabakuna para maraming mahikayat.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with