^

Metro

Kelot niratrat ng tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kelot niratrat ng tandem
Idineklarang dead- on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Mark Anthony Marcos, 22, ng Brgy. Pasong Tamo, ng nabanggit na lungsod.
File photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling araw sa Que­zon City.

Idineklarang dead- on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktima na si Mark Anthony Marcos, 22, ng Brgy. Pasong Tamo, ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa na ng follow up investigation at manhunt operation ang Criminal Investigation and Detection Unit-Que­zon City Police District (CIDU-QCPD) laban sa riding-in-tandem na tumakas patungong Philand Drive at dala ang ginamit na baril.

Lumilitaw na nangyari ang insidente bandang alas-12:40 ng mada­ling araw sa San Roque, Pingkian I, Brgy. Pasong Tamo, QC kung saan nakatayo ang biktima sa lugar kasama ng saksing alyas “Gelo”.

Bigla umanong sumulpot ang riding-in-tandem na at alang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Nakuha naman sa crime scene ng SOCO Team mula sa QCPDFU sa pangunguna ni PMaj Eric Angay-­Angay ang limang basyo ng bala ng baril.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with