^

Metro

PNP inutos mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PNP inutos mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan
Policemen stand near the crime scene of a school compound after a shooting incident at a high school compound in Tacloban City, Leyte province on June 22, 2026.
AFP / Noel Sianosa

MANILA, Philippines — Kasunod ng stabbing, shooting incident Inutos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa lahat ng police commanders sa bansa na higpitan ang mga hakbang sa seguridad sa paligid ng mga paaralan kasunod ng magkahiwalay na insidente ng pananaksak at pamamaril sa mga campus sa Cavite at Tacloban City.

Sa flag-raising ce­remony ng PNP sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ni Nartatez na dapat paigtingin ng mga pulis ang kanilang presensya sa paligid ng mga paaralan, dagdagan ang mga preventive patrol, magsagawa ng masusing security assessments, at palakasin ang koordinasyon sa mga school authorities, lokal na pamahalaan, mga magulang, at iba pang stakeholder sa komunidad.

Samantala, ipinaliwanag ni PNP Public Information Office chief PCol. Allen Rae Co na may umiiral na patakaran na naglilimita sa pagpasok ng mga pulis sa loob ng mga paaralan upang mapanatili ang mga ito bilang mga “zone of peace.”

Gayunman, nakipag-ugnayan na ang PNP sa Department of Education (DepEd) at sa mga local government units para sa mga kagamitang pangseguridad gaya ng X-ray machines, metal detectors, at karagdagang security personnel at mabantayan ang mga pumapasok sa mga paaralan.

Isa rin sa mga nakikitang solusyon ay ang pagtatalaga ng mga barangay tanod upang tumulong sa pagbabantay at pag-screen sa mga pumapasok sa school pre­mises, partikular upang maiwasan ang pagpasok ng mga armas at iba pang mapanganib na bagay.

ALLEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with