^

PSN Showbiz

Ruffa, may bilin sa mga anak!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, may bilin sa mga anak!
Lorin, Ruffa at Venice
STAR / File

Ngayong Sabado ay ipagdiriwang ni Annabelle Rama ang kanyang ika-74 na kaarawan.

Ayon sa panganay na anak nina Annabelle at Eddie Gutierrez na si Ruffa Gutierrez ay mayroon umanong pinagdaraanan ang ina ngayon. “Meron siyang pinagdaraanan ngayon but I know mom, you’ll gonna stay healthy, happy, because we love you. Happy, happy birthday,” bungad sa amin ni Ruffa sa Fast Talk with Boy Abunda.

Dalaga na ngayon ang mga anak nina Ruffa at Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice. Nasa Amerika ngayon ang dalawang anak ng aktres. “They’re doing very well. Lorin has graduated, and she’s doing her first job in Los Angeles in fashion.

“I don’t wanna explain like how or where but she’s into content creation in fashion. I’m also excited for her, so pabalik-balik din siya rito because she also has endorsements here. (Venice) She’s in third year college taking up political science.

“Ang dream ko sa kanya maging singing diplomat. Kasi napakaganda ng kanyang boses and I can’t wait for the whole world to hear her voice,” pagdedetalye ng aktres.

Para kay Ruffa ay malaki ang pagkakaiba niya kumpara sa dalawang anak. Bilang ina ay ibang istilo ang ginawang pagpapalaki ni Ruffa kina Lorin at Venice. “They are more disciplined. They love to study, they know what they want. Hindi puso ang nasa isip nila. Kasi sa sobrang higpit ng mommy ko, ako naman puro puso, ‘di ba?

“Kasi medyo may pagka-rebellious ‘yung tendency ko no’n. I think the more na hinihigpitan mo ‘yung bata, the more na gusto nilang tingnan, I wonder what’s out there? Bakit ayaw niya akong magka-boyfriend? Gusto kong makita, ano bang meron?

“So ngayon, I think with the world today, the kids know more. They’re more career-oriented, gusto nilang mag-aral, gusto nilang maging career women. I’m very thankful that they are brought up that way. Hindi lang sa akin, nakikita nila that they were raised by strong women.

“Ako naman, I realized that everything that my mom did back in the day, ‘yung pagiging mahigpit niya was for my own sake. Kasi I am the only girl and natuto ako no’n. I realized all of that no’ng naging nanay din ako,” makahulugang pagbabahagi ni Ruffa.

Ayon kay Ruffa ay walang kasintahan sina Lorin at Venice kahit mayroon nang mga nanligaw noon. Mayroong bilin ang aktres sa mga anak kung sakaling handa nang makipagrelasyon. “May nagbigay na sa akin ng cake, ng mga flowers, mga kung anu-ano, whatever things sa bahay. Pero feeling ko late bloomer talaga sila. Wala silang lovelife so hindi ako strict. They’re actually late bloomers.

“At kung meron man, alam kong pipili sila ng maayos, disente, ‘yung mamahalin sila and prayerful. ‘Yon lang ang lagi kong sinasabi sa kanila. someone with the right values,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

RUFFA GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with