^

Bansa

Guteza binawi testimonya sa ‘maleta’

Malou Escudero, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Idiniin sina Marcoleta, Defensor

MANILA, Philippines — Binawi ni Orly Guteza, dating miyembro ng Philippine Marines na sinasabing bagman ni ex-Rep. Zaldy Co, ang kanyang naunang testimonya laban kay dating House Speaker Martin Romualdez sa Senate Blue Ribbon Committee.

Sa kanyang affidavit of recantation na nakuha ng Philstar.com, idi­netalye ni Guteza kung paano umano siya “ginamit” nina Sen. Rodante Marcoleta at dating Rep. Mike Defensor upang magbigay ng maling pahayag na nag-uugnay kay Romualdez sa male-maletang pera mula sa flood control projects.

“Ginawa ko ang salaysay na ito upang ilahad ang tunay na pangyayari at kung paano ako nahimok at nilinlang na magsalita sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, 2025, sa ginagawang imbestigasyon nila patungkol sa ‘flood control issue’,” ani Guteza.

Ayon kay Guteza, nagsimula ang plano nang imbitahan siya sa isang dinner meeting noong Setyembre 24, 2025 sa Pasay City. ­Inayos umano ang natu­rang pagkikita ng driver ni Defensor na kilala bilang “Djiango.”

Pinilit umano siya ni Defensor na gumawa ng affidavit na naglalaman ng mga maling pahayag, habang personal namang inedit ni Marcoleta ang draft upang patalasin ang alegasyon. Tinawag pa umano ni Marcoleta ang affidavit na “missing link” dahil direktang nag-uugnay kay Romualdez.

Inamin ni Guteza na dahil sa takot, kalituhan at pang-akit ng “matatamis na pangako” ng tulong pinansyal at pang-edukasyon, pumayag siya sa plano. Inamin din niyang wala siyang anumang direktang pakikipag-ugnayan kay Speaker Romualdez at hindi niya kailanman nasaksihan ang anumang paghahatid ng mga maleta sa sinasabing tirahan ni Romualdez sa Forbes Park.

Upang maisagawa ang panlilinlang sa Senate hearing noong ­Setyembre 25, 2025, bumalik pa umano si Guteza sa notaryo upang manu-manong baguhin ang taon sa kanyang affidavit mula “2025” patungong “2024” upang itago ang mga kasinungalingang nakasulat sa dokumento.

Sa aktuwal na Senate hearing noong Setyembre 25, 2025, nagsilbi si Guteza bilang “resource person” ni Marcoleta. Naalala niyang pinagalitan siya ng senador dahil sa ad-libbing at hindi pagsunod sa script.

Pagkatapos ng sesyon, sinabi ni Guteza na pinabayaan na siya ni Marcoleta, pinapirma ng waiver na tumatanggi sa security, at iniwang mag-isa sa gusali ng Senado.

ZALDY CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with