Palasyo: Pujalte dapat imbestigahan sa ‘gambling’

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Malacañang na dapat imbestigahan ang mga alegasyon laban kay Department of Health (DOH) Secretary Jose Britannio Pujalte kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa gambling activities.
Batay sa sumbong ng ilang concerned citizens na ipinadala sa Presidential Action Center, sinasabing sangkot ang Kalihim sa naturang gawain kaya’t dapat umano siyang alisin sa puwesto.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, mahalagang lumabas ang ganitong mga isyu upang maimbestigahan. Aniya, kung ano man ang kalalabasan ng imbestigasyon ay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magpapasya.
Sa ngayon, wala pang desisyon ang Pangulo kung magpapataw ng preventive suspension laban kay Pujalte habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Dagdag pa niya, wala pang kongkretong ebidensya laban sa Kalihim. Kung mapatunayang totoo ang alegasyon, saka lamang kikilos ang Pangulo.
- Latest























