^

Bansa

DOH Secretary isinumbong kay Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Nagka-casino?

MANILA, Philippines — Inireklamo ng grupong Concerned Citizens kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Jose Britannio Pujalte Jr.

Sa 2-pahinang rek­lamo na isinumite sa Presidential Complaint Center, iginiit ng grupo na madalas umanong nakikitang nagsusugal si Pujalte sa mga casino at gumagamit pa ng mga alyas gaya ng “Louis Santos” at “Louis Santoss.”

Ayon sa reklamo, ang naturang asal ay posibleng lumalabag sa Presidential Decree No. 1869 na mahigpit na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magsugal sa mga casino. Binanggit din ang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713), pati na sa mga batas laban sa ilegal na paggamit ng alyas at regulasyon sa casino.

Nakasaad sa rek­lamo ang kahilingan na magsagawa ng pormal na imbestigasyon ang pamahalaan sa pamamagitan ng mga kaukulang ahensya, kabilang ang pagkolekta ng CCTV footage, mga rekord ng pagpapatala, at iba pang dokumento mula sa mga casino at regulatory bodies.

Hiniling din ng grupo ang pagpapataw ng preventive suspension kay Pujalte habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, at ang agarang pagtanggal sa puwesto kung mapapatunayan ang mga paratang, alinsunod sa tamang proseso.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with