^

Dr. Love

Na-scam si mister

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin nyo na lang akong Nanie. Nag-feeling financial expert ang mister ko! Naniwala sa “double your money” scam ng kakilala niya. Pinagsabihan ko na pero mas naniwala pa sa iba kaysa sa akin.

Ayun! Ubos ang ipon at baon pa kami sa utang nang paimpit niyang kinuha!

Dr. Love, tuwing nakikita ko siyang natutulog, nagdidilim ang paningin ko sa sobrang inis ko sa kanya.

Paano ko ba patatawarin ang asawa na pinagpalit ang seguridad ng pamilya para lang sa “quick cash”?

Nanie

Dear Nanie,

Hindi kayo dapat magsisihan, bagkus dapat kayong magtulungan na makabangong muli.  Nasilaw lang siya sa pangarap na mabilisang kita.

Nabiktima siya ng sarili niyang kahangalan, hindi ng masamang hangarin sa inyo.

Ang lesson ay malinaw, huwag iregalo ang pamilya.

Nakuha na ng scammer ang pera nyo, huwag mo nang ipamigay pati ang pagsasama ninyo. Ang pera ay kikitain uli, ang matino-tinong asawa...mahirap mahanap.

Pagsikapan mo na palitan ang sermon ng action plan.

Ang “Sabi ko sa’yo eh!” phrase ay hindi magpo-produce ng pambayad ng utang. Maupo kayo, mag-budget, at pagtrabahuhin mo siya nang doble para makabawi.

Mula ngayon, kahit bumili lang siya ng kape, kailangan muna ng written approval mo! Para matutuo siya.

Nasa probation period siya. Ang pagpapatawad ay may proseso.

Sabihin mo sa kanya, “Magkasama tayong magbabayad ng utang, pero sarado muna ang lambingan habang nag-aagaw-buhay ang wallet natin.”

Kaya nyo ‘yan. Mahalagang tandaan ang leksyon na iniwan ng pangyayari, walang shortcut sa pagyaman!

Huwag sana kayong makalimot dito, para hindi na mapa-ngalawahan pa ang mapait na karanasan na ito.

DR. LOVE

NANIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with