51 katao inaresto sa SONA rally
MANILA, Philippines — Umakyat sa 51 katao ang inaresto sa kasagsagan ng mga isinasagawang rally bago pa man simulan ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang mga inaresto ay lumabag sa batas kabilang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985, at pagsusuot na “balaclava” o takip sa mukha na karamihan ay mga menor-de-edad at bandalismo.
Sa nasabing bilang Kinumpirma ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na inaresto ang anim na katao sa inilunsad na rally sa Commonwealth Avenue sa Quezon City bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 27.
Aniya, hindi pa ito ang pinal na bilang at posibleng madagdagan habang nagpapatuloy ang mga kilos-protesta.
Dagdag pa ng PNP chief na nais ng mga otoridad na mapigilan ang panggugulo sa kalsada at maapektuhan ang mapayapang protesta.
Umaasa naman ang hepe ng pambansang pulisya na magiging matiwasay ang mga isinasagawang rally katulad ng naging aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC).
- Latest
















