^

PM Sports

UST namartida sa Shakey’s volley

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kulang pa sa prepa­rasyon pero nagawa pa rin ng University of Sto. Tomas na masikwat ang korona sa katatapos na 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals.

Kinaldag ng UST sa apat na sets ang College of Saint Benilde, 22-25, 25-8, 25-12, 25-22, sa winner-take-all cham­pionship noong Lunes ng gabi na nilaro sa Playtime FilOil Arena sa San Juan.

“Sabi ko nga medyo short ‘yung preparation namin but ang good thing kasi ‘yung response rin ng mga players and also coaches sa sistema na ina-adjust namin. I think ‘yun ‘yung malaking bagay.” sabi ni UST head coach Shaq Delos Santos, “Good thing dito, nakita rin namin kung ano pa ‘yung mga kailangan naming i-improve. Sobrang dami pa namin kailangan ayusin,”

Impresibo ang ipinakitang laro ng Golden Tigresses kung saan ay dalawang sets lang silang nakalasap ng kabiguan sa buong tournament na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.

“Siyempre, sobrang happy dahil ‘yun nga nakuha namin ‘yung champion­ship,” ani Delos Santos.

Sina skipper Regina Jurado at Most Valuable Player Angge Poyos ang naging pangunahing armas ng España-based squad na sinagasaan ang lahat ng nakatunggali.

Dahil sa panalo, nalampasan ng UST ang third-place finish nila noong 2023.

Nakatutok na rin agad ang UST sa pagsali sa Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup sa darating na Set­yembre.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with