Vice at Kim, may parinig din!
Ang PA o personal assistant ni Heart Evangelista na si Resty Rosell ang very vocal sa pagkadismaya sa ginawa nitong YouTuber at content creater na si Mimiyuuuh.
Naka-chat ko si Resty kahapon at siya ang nalungkot sa nangyayari dahil talagang maayos daw ang pakikitungo ni Heart kay Mimiyuuuh mula pa noong nagtatrabaho pa lang ito sa kilalang designer na si Mark Bumgarner.
Tinulungan pa raw ito ni Heart noong nagsisimula pa lang siyang mag-vlog.
Kuwento ni Resty sa akin, “Hindi ko alam, Tito, bakit naging ganyan ‘yan. Dati ‘yan staff ni Mark Bumgarner. Umalis siya kay Mark kasi nga naliliitan sa suweldo.
“Tapos nag-vlog. Six months pa lang siya nagba-vlog, tinulungan agad ni Heart para makilala nga naman. Tapos pinasok namin siya sa Aivee, at tinulungan namin sa brands.
“Hindi lang isang beses niya ginawa ‘yang pagsa-shadow kay Heart. Hindi ko alam kung anong problema niya kay Heart na wala namang ginagawang masama sa kanya.”
Sa gitna ng mainit na isyu ng flood control, tuloy pa rin naman ang trabaho ni Heart.
Pero isa si Mimiyuuuh sa napansin na nilang umiiwas sa Kapuso actress/TV host.
Hindi raw ito napansin ni Heart. Lahat ay pinakikitunguhan niya nang maayos. Pero kapag may mga post daw si Miimiyuuuh, nagko-comment pa si Heart, at nag-a-“I love you” pa ito sa kanya.
Hindi na raw nila sinabi kay Heart na tila iniiwasan na siya ni Mimiyuuuh. “Imbes na mag-reach out pa siya kay Heart, in-unfollow na niya,” sabi pa ni Resty.
Alam daw niyang nasaktan ang amo niya, dahil noon pa man ay gusto na raw ni Heart si Mimiyuuuh at mahal daw niya ito.
“Siguro pumasok na sa utak niya na sikat na sikat na siya,” text pa uli ni Resty sa akin.
Sa ganitong pagkakataon, dito talaga mate-test ang tunay na pakikipagkaibigan.
Dito mo makikita kung tunay na kaibigan ang isang tao, kapag nandiyan pa rin siya sa panahong tinutuligsa ka ng karamihan.
Pero, The People Have Spoken naman!
Maganda ang feedback sa bagong programa ni Heart sa GMA 7, at hindi naman nalalaglag ang ratings nito.
Samantala, nabanggit na rin lang ang ‘clean money.’ Nagpatutsada naman si Vice Ganda sa It’s Showtime kahapon na kung saan napag-usapan nila ang pinakamatandang restaurant, ang Sobrino de Botin, na matatagpuan daw sa España. Hindi pa raw niya napuntahan ‘yan at wish niyang makakain sa naturang restaurant. Sabi niya, “One day, we will go there. We will eat good food and pay from our clean money!” Dugtong naman ni Kim Chiu, “Hard earned and clean money!”
Streaming, naagaw na ang mga manonood ng sine
Kapansin-pansing tatlong linggo na palang walang pelikulang lokal na nag-showing sa mga sinehan.
Dalawang pelikulang Pinoy ang nag-open sa local cinemas noong Mayo 27, 2026, Miyerkules, ang Tayo Sa Wakas at Desperada.
Ang Tayo Sa Wakas ang huling movie na raw ng DonBelle nina Donny Pangilinan and Belle Mariano.
Pitong foreign films ang kasabay ng Tayo Sa Wakas at Desperada na nag-showing, kabilang ang South Korean film na Colony na prequel ng Train to Busan.
Maganda naman ang kinalabasan sa takilya ng DonBelle movie.
Nung June 3 naman nag-showing ang Love, Ngo ni Jerald Napoles at ang Cinemalaya film na Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan, at ang remastered version ng Muro-Ami.
Nag-emote nga ang taga-GMA Pictures na pabawas nang pabawas na raw ang mga sinehan ng Muro-Ami.
Pagdating ng June 10, nag-showing ang isa pang Cinemalaya film na Open Endings at ang Project Baby ng Regal Entertainment.
So-so lang sa takilya ang pelikulang ito nina Sue Ramirez at Rico Blanco.
Ang Open Endings naman ay kaagad nabawasan ng mga sinehan.
Noong June 17 naman ang Home Along Da Riles: Da Reunion na masaya sila sa kinalabasan sa takilya. Pero ‘yung mga lumalabas na figures sa kanilang press release ay padded nang bonggang bongga.
Pero okay pa rin sa standard ng local films.
Nakasabay nito ang Ilocano Boys’ Love movie na All The Things I Leave You.
Nakasabay nito ang Toy Story 5 na talagang napakalakas.
Noong Hunyo 24 ay tatlong local films ang nag-showing na Drags to Riches ni Christian Bables, ang First Light nina Ruby Ruiz at Maricel Soriano, at ang Girls’ Love movie na A Quiet Bloom.
Nakasabay nito ang Supergirl na hindi maganda ang review.
‘Yun na ang huling araw na nag-showing ng pelikulang lokal.
Hanggang sa ngayon ay pawang foreign films na ang ipinalabas.
Iniwasan ba ang huling nag-showing na The Odyssey na dinirek ni Christopher Nolan at talagang star-studded?
Maganda pa ang feedback sa naturang pelikula kaya mukhang magtatagal pa ito sa mga sinehan.
Wala pang napo-promote na local films na magso-showing sa mga susunod na araw.
Naka-focus na ang ibang film producers sa isa-submit sa finished films ng Metro Manila Film Festival 2026.
Meron pang ibang pang-Cinemalaya na pelikulang nakatakdang iso-showing kagaya nitong Child No. 82: Anak ni Boy Kana. Pero wala pang balita.
Sa ngayon ay masaya na ang karamihan sa pagtutok sa streaming.
After three months ay ipinalabas na agad sa Netflix ang Wonderful Nightmare nina Jerald Napoles at Kim Molina.
Kaya magbabayad ka pa ba sa sinehan?
Magaganda na rin ang mga nasimulang serye sa streaming.
Nasimulan namin sa Amazon Prime ang The Loyalty Game nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez, ang ganda ng unang episodes nito na dinirek ni Mae Cruz-Alviar.
Sa Viu naman ay ang Love, Siargao nina Alden Richards at Nadine Lustre. Maganda ang Siargao, at magaling sina Alden at Nadine.
‘Yun pa lang so far ang masasabi ko sa seryeng ito na nasa ika-anim na episode na.
- Latest























