^

Police Metro

Fetus bumara sa sewage facility ng condo

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang patay na fetus ang natagpuan sa sewage facility ng isang condominium sa Barangay San Jose, Tagaytay City, noong Biyernes ng gabi.

Batay sa ulat, alas-6:59 ng gabi noong Biyernes nang madiskubre ng isang empleyado ng Cityland Condominium ang fetus na nakabara sa sewage strainer sa basement ng gusali.

Hindi pa tinukoy ng pulisya ang kasarian o tinatayang edad ng fetus.

Pinaniniwalaan ng pulisya na maaaring itinapon ang fetus sa drainage system ng isa sa mga residential unit ng condominium bago ito napunta sa sewage facility.

Patuloy na nirerebyu ng mga otoridad ang kuha ng mga CCTV camera at nagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang posibleng sangkot sa insidente.

Isinailalim na sa wastong disposisyon ang fetus na ipinagkatiwala sa isang punerarya.

SEWAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with