^

PSN Showbiz

Bimby, ‘di na naalala ng ama

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bimby, ‘di na naalala ng ama
Bimby
STAR/ File

Sumuweldo na si Bimby Aquino bilang co-host ng Eat Bulaga.

Ang fan page niya ang nag-a-upload ng mga kaganapan kay Bimby kung saan nga ay tinatanggap ng bunsong anak ni Kris Aquino ang kanyang suweldo.

“My mom, of course,” sey niyang natatawa.

Eh ang ama kaya niyang si James Yap, naalala niya or vice versa?

Anyway, tulad ng kanyang ina, sinabi ni Bimby na mapupunta sa charity ang kalahati ng kanyang suweldo.

“Wow, it’s cash! I like cash!” sey pa niyang tuwang-tuwa.

Lumalakas ang loveteam nila ni Ryzza Mae Dizon sa EatBulaga tho hindi rin dapat madaliin dahil baka kaumayan agad.

Desisyon ng korte sa magkadugong nagdeman­dahan, ilalabas na raw!

Totoo kayang lalabas na ang court decision sa kaso ng magkadugo na nagdemandahan?

Wala raw kulong ang kadugo pero diumano’y pagbabayarin ito ng korte ng mala­king halaga.

Ayaw masyadong magbigay ng detalye ng source tungkol sa narinig nilang update sa kaso ng magkadugo, pero hintayin daw dahil talagang malungkot ito para sa kanilang pamilya.

BIMBY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with