^

Probinsiya

Forest ranger, 3 pang suspek sa Pampanga shootout, patay na - PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Forest ranger, 3 pang suspek sa Pampanga shootout, patay na - PNP
Ayon kay PNP PIO Chief Police Col.Allen Rae Co, napag-alaman ng pulisya na ang isa sa mga suspek na may alyas na “Ka Arlet”, 51-anyos at residente ng Arayat ay isang lider ng gun-for-hire na sangkot sa mga pagpatay sa mga pulitiko sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nasawi na ang isang forest ranger at tatlong kasama nito na nasugatan nang makaengkwentro ng pulisya dahil sa ilegal na pagpapaputok ng mga baril sa Brgy. San Juan Baño, Arayat, Pampanga nitong Hunyo 27.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Col.Allen Rae Co, napag-alaman ng pulisya na ang isa sa mga suspek na may alyas na “Ka Arlet”, 51-anyos at residente ng Arayat ay isang lider ng gun-for-hire na sangkot sa mga pagpatay sa mga pulitiko sa lugar.

Ang iba pang mga suspek na napatay sa engkuwentro ay isang 35-anyos na lalaki at dalawang 50-anyos na lalaki, na pawang residente rin ng Arayat.

Nagsimula ang shootout nang rumes­ponde ang pulisya sa report ng mga concerned citizen tungkol sa umano’y walang pakundangang pamamaril ng grupo sa isang liblib na lugar sa bayan ng Arayat habang nasa impluwensiya ng alak noong nakaraang Sabado.

Dinala ang apat sa ospital at doon ay pumanaw na kahapon.

DEAD

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with