^

Bansa

‘Drama lang pero walang gawa’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Drama lang pero walang gawa’
Palace Press Officer Claire Castro during a press briefing.
STAR / File

Castro kay VP Sara

MANILA, Philippines — Tinawag ni Palace Press Officer Claire Castro si Vice President Sara Duterte na “emotional vulture” dahil sa nagpapanggap lang ito na nag-aalala sa mga problema sa bansa subalit wala namang konkretong ginagawa para makatulong sa paglutas ng mga ito.

Ang pahayag ay ginawa ni Castro matapos na sabihin ng Bise Presidente kung may matitira pang Pilipinas pagsapit ng halalan sa 2028 dahil sa dami ng suliraning kinakaharap ng bansa.

Giit ni Castro, tila “bulag” si VP Sara sa mga pagsisikap ng administrasyong Marcos at sadyang binabalewala lamang niya ito.

“Nakakalungkot lamang dahil iyan ay galawang Duterte, showing the characteristics of an emotional vulture, isang buwitre-nagpapanggap na concern sa kalagayan ng bansa when in fact she admitted that she doesn’t want to help the President in his projects for the country. Drama pero walang gawa,” pahayag ni Castro.

Kung mawawala aniya ang Pilipinas pagsapit ng 2028 ito ay dahil pipiliin ng tao ang isang “Manchurian candidate”,  isang isang puppet ng ibang bansa na handang isuko ang resources ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Castro na kahiya-hiya na patuloy si VP Sara sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanya at sa administrasyon.

Tinawag din ni Castro na utak-bwitre ang mga ganitong klaseng pasaraing na naghihintay ng negatibong isyu sa Pangulo para manguna.

Mas marami anyang dapat patunayan si VP Sara sa mga isyu tungkol sa kanya subalit iniiba niya ang kwento at isyu.

Hindi aniya dapat gumawa ng intriga ang Bise Presidente dahil ang nangyayari ngayon, ang trabaho na ng pangalawang pangulo ay manira sa Presidente.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with