Palasyo kay VP Sara: Tell it to the Marines’

Mga kaalyadong senador hina-harass daw
MANILA, Philippines — Tinawag na kasinungalingan ng Malakanyang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hina-harass ng administrasyon ang mga kaalyadong senador ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Palace Press Office Atty. Claire Castro, hindi niya malaman kung saan nanggagaling ang kanilang mga talento para magpalaganap ng fake news.
Sinabi pa ni Castro, na nauna nang nagpakalat ng fake news ang Bise Presidente tungkol sa umano’y pagkaing baboy lamang ang P20 na bigas na ipapamigay o ibebenta sa mas murang halaga sa pamamagitan ng KADIWA centers.
Gayundin aniya ang fake police blotter, altered police blotter mula sa Beverly Hills at iba pang fake news na hindi lang isa kundi dalawa laban sa Pangulo at sa Unang Ginang.
“So sino ba talaga ang may kakayanan na gumawa ng karahasan” sino ba ang nagbabanta ng buhay? So, sa mga ganiyang statement, just tell it to the Marines,” sabi pa ni Castro.
Ang pahayag ni VP Duterte ay matapos matanong kaugnay sa term-sharing sa Senate leadership.
Ayon kay VP Duterte, hindi na siya nakikipag-usap sa mga senador dahil ang mga tumutulong o kumakausap sa kanya ay binabanatan ng administrasyon, kinakasuhan, binabantaan at hinaharass.
- Latest



















