Duterte nanawagan ng pagkakaisa, panalangin sa Black Nazarene feast day

MANILA, Philippines — Sa paggunita ng kapistahan ng Itim na Nazareno, nanawagan si pangulong Rodrigo Duterte na magkaisa sa pananalangin para makabangon at gumaling ang bansa.
Sa mensahe ni Duterte, sinabi niya na bagama’t hindi ginagawa ang kinagawiang Traslacion, umapela siya na sama-samang ipakita ang pananampalataya sa pamamagitan ng pananalangin para sa pagbangon ng bansa at paggaling lalo na ng mga tinamaan ng COVID-19.
“As a predominantly Catholic nation, may we remain united in spirit and in truth as we continue to build a future that is truly blessed with peace, prosperity, love and goodwill for all,” pahayag pa ng Pangulo.
Kahapon ginunita ang pista ng Itim na Nazareno, subalit dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay kinansela ang taunang Traslacion o ang prosisyon ng imahe ng Black Nazarene mula Quirino Grandstand patungong Quiapo church.
Isinara naman ang Quiapo Church mula Enero 7-9 para maiwasan ang pagdagsa dito ng mga deboto.
- Latest



















