Matet, magdedemanda ng bashers!

Umay na umay na si Matet de Leon sa parating ibinabato ng mga tao na ampon lang siya ni yumaong Superstar Nora Aunor.
Sa panayam ng aktres sa i-Listen podcast ni Kara David, kahit noong bata pa man siya at wala pang social media ay ito na raw ang naririnig niya mula sa mga tao.
Mismong ang drivers and helpers nila ang nagsasabi nito sa kanya pati na rin sa iba pa niyang ampon na kapatid na sina Lotlot, Kiko and Kenneth de Leon. “You know, para lang alam din ng mga nanonood at nakikinig sa atin, may nauna na sa kanila (bashers). Nauna na ‘yung mga helpers, ‘yung mga drivers, na hindi masyadong napapansin ni Mommy, nauna na silang kutyain kami,” pahayag ni Matet.
“So, hindi na kami masyadong napipikon dyan,” sey ni Matet.
Sinasabihan daw sila ng mga driver and helper na “putok sa buho” at “ampon.”
At hanggang ngayon nga, wala pa ring tigil ang mga tao sa pagpapamukha sa kanila na ampon lang sila especially sa social media.
Inamin din ni Matet na pinapatulan niya rin ang mga basher lalo na kung pinaglalaruan siya. “Kumbaga, hindi na ako naaasar sa ganu’n but ‘pag gusto kitang paglaruan, dahil pinaglaruan mo ‘ko, paglalaruan din kita,” aniya.
But recently ay may natanggap daw siyang bashing na medyo foul na. “‘Ganyan talaga ang bifolar, selfish,’ ‘yun ang sabi niya (basher). Bifolar ha, hindi bipolar,” kwento niya.
Mali man ang spelling, ayon kay Matet ay may gagawin silang aksyon tungkol dito dahil below the belt na raw ito. “Hindi rin ako napikon do’n pero nagalit ‘yung panganay ko, so we’re going to do something about it,” pagre-reveal ni Matet.
Para sa aktres, pare-pareho lang silang limang magkakapatid ng ranggo including the biological son, Ian de Leon, na ‘mga anak ni Nora Aunor’ dahil pantay-pantay raw ang ipinakitang pagmamahal sa kanila ng ina noong nabubuhay pa ito. “Pare-parehas ang trato sa amin ni Mommy, eh. Pare-parehas lang kami. Magkakapatid,” aniya.
- Latest






















